Matatag na samahan

15 0 0
                                    

Spoken poetry 💕

Ako ay sa iyo at ikaw ay akin
Mga pangako natin
Ay aking sasambitin
Kahit kailan ang pagmamahal ko ay lagi mong iintindihin.
Ang puso ko ay sayo
Kaso baka iwan mo ako sa dulo
Kahit na ito ay minsan nagloloko
Ano ba talaga ako para sayo o mahal ko.
Walang iwanan yan ang sinasabi mo
Walang iwanan pangako hanggang dulo
Pero bakit at puso ko ay wasak at nagdurugo
Dahil ba sa santong pinalangin mo.
O dahil sa iba na ang minamahal mo
Bakit kailangan humantong sa ganito
Ang pagmamahal ko ay ibinigay ko ng lubos sa iyo
Dahil ba isa ako sa naging dahilan mo kaya nawasak bigla ang mundo mo.
At walang iwanan
Walang iwanan kahit na ako ay nasasaktan
Walang iwanan dahil may kapalit ako na bago na naman
Oo, walang iwanan pero ako ay nasasaktan.
Ang puso ko ay toliro
Toliro sa lumang litrato
Litrato na binilang ko hanggang tatlo
Sa una, pangalawa,  at pangatlo pero ako ay niloko mo dahil nag iba na ang mundo mo.
Hindi sakin at hindi sayo kundi sa taong pinaglaban mo ng higit sa pagmamahal ko
Pero asan na ang pangako mo bakit bigla atang napako
Na para bang ako ay sumusuko
Dahil ba ako ay isang hawak na basura lang na itatapon mo kung saan saan
Saan ba ako nagkulang
Para akong isang buang
Na ikaw ay tumakbo papalayo at ako ay iniwan lang.
Katapusan para sa pag ibig sa lubusan
Katapusan para sa taong iniwan
Katapusan para sa taong nasasaktan at pinagtatabuyan
Katapusan para sa pagmamahalan at sa mababaw na dahilan.
Ang tula ay nag iisa
Ang puso ay nagdurusa
Ang pagmamahal ay mawawala
At ang lahat ay magbabalik pero isa na lamang Alaala.
Buksan ang puso sa taong nagmamahalan lamang
Walang mang iiwan at walang taong hahadlang
Mga pangako ay ating babalikan lang
Pero ito ay hindi na muli mang iiwan o walang iwanan lang.
Wala ng iwanan
Wala ka ng babalikan
Wala ng magmamahalan
At lalong wala ng papabayaang tao habang nasasaktan.
W-asak
A-king puso
L-aging nagdaramdam
A-t hindi
N-a muling babalikan kasi
G-inago muna ang mundo ko.
I-iyakan
W-alang kwentang pagmamahalan
A-t muling
N-asasaktan
A-ng lahat ay
N-agdudusa kailanman

~Pretty bitter Author 🖤

Ang Tula ni Bitter Where stories live. Discover now