Chapter 1

291 15 1
                                    




Habang pumapailanlang ang Symphony No. 25 ni Wolfgang Amadeus Mozart ay walang patid ang mabini at maliksing pag-indayog ng katawan ni Anika. Ang talampakan niya ay hindi minsan mang sumayad sa stage, nakatuwid ang kanyang mga paa habang halos ang hinlalaki lamang niya ang tuwinang nakaapak habang umiikot at tumatalon. Kitang-kita niya sa audience ang hindi maitagong paghanga sa ginagawa niyang pagsayaw sa kanyang kompletong ballet costume na suot. She smiled with poise and class to the people watching her performance. Sa kanyang pag-ikot ay saglit na nadaanan niya ng tingin si Andrew, at ang ngiting nakita niya sa mukha nito ay nagpataba sa kanyang puso. Ngiti iyon ng pagmamalaki at paghanga sa kanya. Matamis siyang ngumiti at mas pinag-igi ang pagsayaw.

Isa siyang ballet dancer by profession, at nakikilala na sa bansa. Ang presentation na nagaganap ngayon ay halos limang buwan din nilang pinaghandaan. Ilang minuto na lang at matatapos na ang buong presentation at kitang-kita niya na ang success na naghihintay sa kanila sa pagtatapos ng gabi. Muli siyang ngumiti at tumakbo sa kabilang panig ng stage kung saan naghihintay sa kanya ang kapareha sa pagsayaw.

Isang dipa ang layo mula rito ay tumalon na siya at kaagad naman nitong inabot ang kanyang baywang, raised her up in the air using one hand as she extended her legs and posed like a mannequin in the air habang umiikot ang lalaking may buhat sa kanya. She smiled inwardly when she heard the suppressed gasps of awe from the audience. Hindi niya napigilang muling lingunin ang katipan, pero ang katabi nito ang nakakuha ng kanyang atensyon.

A yawning guy with watery and bored eyes turned her smile into an annoyed look. Mabilis niyang inilayo ang paningin sa lalaki sa takot na masira nang tuluyan ang pa-sweet na expression na nasa mukha niya. Isa pang ikot bago naglaho sa ere ang tugtog at pinalitan ng masigabong palakpan. Bumalik ang ngiti sa kanyang mga labi. Iminuwestra niya ang mga kasamahan bilang pag-acknowledge sa mga ito at sabay-sabay silang nag-bow at hinintay ang pagbagsak ng curtain.

"Great job, guys!" bulalas ni Murphy, ang bading nilang director/choreographer. "Lalo ka na, Anika! Goodness, para kang diyosa kanina sa stage! You were exquisite!" Kitang-kita niya sa mukha nito ang paghanga at mahigpit siyang niyakap na mainit niyang tinugon.

"Thank you, Murph. Hindi ko 'yun magagawa kung hindi dahil sa 'yo!"

Pabulong ang ginawa nitong pagsagot. "Sa atin-atin lang 'to, ha, but I doubt it kung gugustuhin ko pang mag-direct ng show kung hindi lang naman ikaw ang ballerina."

Mas lalo siyang napangiti. "That's very sweet..."

"O, siya, siya... Pakakawalan na muna kita at nang makapagbihis ka. Sinabi sa akin ni Andrew na hihintayin ka niya sa lobby."

Lumayo na siya rito. "Okay... Thanks again. I'll call you tomorrow."

Paglabas pa lang ni Anika sa elevator ay nakita na niya si Andrew na nakaupo sa mga upuan sa lobby ng sikat na hotel na pinagganapan ng dance. Kaagad na tumayo ang binata na may bitbit na kumpol ng mga bulaklak at sinalubong siya.

"Sweetheart! Narinig mo na siguro 'to nang ilang ulit ngayong gabi, but you were amazing tonight! I thought I was watching a movie... You were flawless!" Hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi at mahigpit na niyakap.

"Thanks, Drew," she answered appreciatively. "And also for coming... Akala ko di ka na naman makakarating."

Binitawan siya nito at muli siyang hinalikan sa magkabilang pisngi. "Sweetheart, I told you, hindi na mauulit na hindi ako makaka-attend ng sayaw mo. I won't miss it for the world." Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi at mapagmahal siyang tinitigan.

Pinagmasdan niya ang guwapong mukha ni Andrew. it was full of humility and love for her. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari mag-aanim na buwan na ang nakakaraan, nang magkaroon sila ng dance concert tribute for Ludwig van Beethoven's music. Nangako ang katipan na dadalo ito sa nasabing concert, pero sa mismong araw ng event ay nagpaalam itong hindi makakapanood dahil daw may emergency at naaksidente ang kaibigan nito. O iyon ang sinabi rito ng kabigan.

Sweet TemptationWhere stories live. Discover now