Chapter 5

110 8 1
                                    


"Huwag kang mag-alala, Anika. Super bait si Sir. Dalawang meal lang ang kinakain niya sa isang araw; lunch nang mga ala una at ang light dinner, seven naman ng gabi 'yon. 'Tapos, aalis na siya at madaling-araw na ang uwi niya. Tanghali na ang gising niya. 'Yan lang naman ang routine niya," paliwanag ni Jelene habang nag-aayos ng mga gamit nito sa bag. Kababalik lang niya sa bahay ni Ethan galing sa condo unit niya para kumuha ng mga gamit.

"Hindi siya mapili sa pagkain, pero paborito niya ang sinigang na baboy at paksiw na bangus. Gusto niya 'yung maraming sili. Allergic siya sa kahit anong may mani. Lahat na ay nakakain niya... See? Madali lang talaga trabaho dito, medyo madugo lang sa paglilinis lalo't mag-isa ka, masyado kasing malaki ang bahay."

Napabuntong-hininga siya. "Eh, sino'ng maglalaba ng mga damit niya?"

"Ikaw din, pero high-tech 'yung washing machine niya, kaya wala ring kapagod-pagod. Huwag na huwag ka lang gagamit ng bleach at itim lahat ng mga damit niya, mamumuti ang mga iyon at tiyak na magagalit pag nagkataon."

Umikot ang mga mata niya. As if naman natatakot siya sa galit ng lalaking iyon. "May mga kailangan pa ba akong malaman?"

"'Yun lang. Good luck, ha? Kinikilig talaga ako sa set-up n'yong 'to. Baka sa wakas ay ma-in love na rin uli si Sir. Antagal na ng chickboy drama niyan, feeling ko pati siya ay nananawa na rin." Tumirik ang mga mata nito matapos i-zipper ang duffle bag nito.

Tumaas ang dalawang kilay niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Takang tumingin ito sa kanya. "Hindi mo alam? Akala ko matagal na kayong magkakilala?"

"Magkakilala, yes. Pero hindi kami close para malaman ko ang mga personal na bagay sa buhay niya. And I never did take interest."

Makahulugan itong ngumiti bago nagsalita. "Ah, okay... Eto kasi ang alam ko, wala masyadong detalye. Once pa lang na-in love si Sir, sa kababata 'ata niya. Magkasama na sila mula nang maliit pa at ang mga magulang nila ay talagang umaasa na sila ang magkakatuluyan. Pero isang linggo bago ang kanilang kasal, nawala 'yung babae, at sa wedding day mismo nila, tumawag ito. Humihingi siya ng sorry dahil hindi raw niya mahal si Sir at may ibang lalaki na tunay na nagmamay-ari ng puso nito." Kumibit-balikat si Jelene. "Apat na taon na 'ata ang nakakaraan mula nang mangyari iyon, so apat na taon na rin na walang sineseryosong babae si Sir. Sumumpa na yata siyang hindi na muling magmamahal..."

Natahimik si Anika. Marunong din palang magmahal ang magaling na lalaking iyon! Pero sa kabila ng angst na nararamdaman niya rito, she couldn't help but feel sorry for him. He must have loved that girl so much para ganito katindi ang maging epekto nito kay Ethan. Sa ilang pagkakataong nagkasama sila nito, he was nothing but an overconfident Adam who treated girls as if they were made to be just a one-night thing. Hindi niya ma-imagine na magmahal ito nang lubusan o bigyan man lang ng pagpapahalaga ang isang babae. He was just out there to hunt for a victim every night using his devilishly alluring singing voice and to-die-for looks.

But in fairness, what he did with Jelene and Lily was somewhat noble. Ang pagtulong nito at hindi pag-take advantage sa mga babaeng kasama sa bahay though he has the power too. Pero ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Maybe strippers were not really his type.

"O, siya sige... aalis na ako at baka hindi ko na maabutan ang huling bus patungong Quezon." Tumayo na si Jelene at muli siyang hinarap. "May mga tanong ka pa ba?"

Umiling siya. "Wala na, if ever naman iti-text na lang kita. I have your number."

"Okay, huwag kang mag-alala, hindi ka mahihirapan dito. Feeling ko nga pagbalik ko, iba na ang magiging aura ng bahay na 'to." She sighed dreamily. "Good luck talaga."

Sweet TemptationWhere stories live. Discover now