PROLOGUE

2.1K 75 2
                                    

Hindi makapaniwalang inilibot ko ang aking paningin. Ikinurba ko ang mapula kong labi sa tuwing may nakikita akong Pilipinong naglabasa masok sa airport na ito.

At last! I'm home!

Agad kong hinanap ang kaibigan kong nagsabi na susundo sa akin. Gosh! I miss that freakin' best friend.

Hindi kami nagkausap sa loob ng anim na taon dahil medyo nabusy ako sa buhay ko sa England.

Nag-aaral din ako doon. And guess what? Naka-graduate din ang lola niyo at nakapag trabaho sa isang malaking kompanya where Jovi is my boss and I, was his secretary.

I'm on vacation leave now. Pasalamat nga ako at pinayagan ako ni Jovi sa favor ko. Kung hindi? Naku! Mabubulok ako at baka magdugo na naman ang ilong ko sa mga tao sa bahay.

I know he's against for all of this but I miss my home town.

Tiningnan ko ang cell phone ko nang mag vibrate iyon. Agad akong napaismid ng makita ang mensahe ni Troy.

Alam niyo ba ang chika? Si Troy buntis na! Charot joke lang. Ayon sa nakalap kong impormasyon may anak na ito. Nakidnap siya and boom nagka-love life na ang gaga. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

Well, I check his background noong isang araw at ayon na nga. Nakabingwet din ang bakla ng magandang lahi at nagbunga. They have a beautiful daughter pagmamalaki pa ni Troy sa Instagram.

Hinanap ng mata ko ang mukha ni Troy. Kahit naman anim na taon na ang nakalipas kabisadong kabisado ko pa rin ang pagmumukha ng baklang iyon.

Nang hindi ko pa rin mahanap ay binungangaan ko siya through text. Abala ako sa pagtitipa nang may bumangga sa akin na bata. Sa gulat ko ay nahulog ko ang cell phone ko at dali-daling lumuhod para magka-level kami. Nakaupo siya habang sapo-sapo nito ang pwet niya bago umiyak.

Inalis ko ang shades ko at tiningnan ng maigi ang batang babae. I think nasa anim na taong gulang na ito. Lihim akong napangiti. She was crying out. Ang cute niya. May maliit pink headband ito at nakasuot ng maliit na dress. Nabagay naman talaga sa kaniya.

"Oh God, are all right baby?" Tanong ko rito tsaka siya inalalayang tumayo. Tiningnan niya lang ako habang panay pa rin ang paghikbi. Napakurap ako ng makita ang pag-iiba ng kulay mata nito.

I shake my head. Maybe it just hallucination or maybe I'm just tired. Baka nga. Inalalayan ko siyang umupo sa gilid.

Pinagpag ko ang nadumihan nitong damit. "Ayos ka na ba?" Pag-aalala ko rito.

Ngumiti lang ito bago humarap sa akin. "Actually, hindi naman po masakit. Ayos lang po ako." Pag-aamin niya.

Nakunot ko ang noo ko. Malakas yung pagkakasalampak niya sa sahig kaya alam kong hindi okay 'yun.

"Are you sure? Maybe I should send you to a doctor para matingnan kung okay ka lang ba talaga." Tila umatras naman ang dila niya at malungkot na tiningnan ako.

"Buti ka pa po may pakialam sa akin. E, yung mommy ko pinabayaan lang ako." Bakas sa mukha niya ang katutuhanan.

Nagpilit ako ng ngiti bago hinagod ang buhok nito. "Nasaan ba ang mommy mo? Gusto mo ihatid na muna kita? Wala pa naman dito yung susundo sa akin." I offered her. Pero mabilis nitong iniling ang ulo niya.

"Tumakas nga lang ako sa papa ko na nagbabantay sa akin. You know what po? May papa is annoying palagi niya akong sinasabihan that I should act like a lady. Hindi niya ba alam na bata pa ako? I'm just 6 years old."

Natawa na lang ako ng sumimangot ito may pa ikis pa ito sa dibdib niya. Ang ingay ng batang ito. Naku kung sino man ang mga magulang ng batang ito they are lucky. She's smart.

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now