Kabanata 8

1K 52 1
                                    

I flipped my hair and sip my coffee. Nasa balkonahe ako ngayon at ninanamnam ang great white caramel nine twenty pesos lang, mapapaungol ka sa sarap ng iyong coffee with nutella flavor na, may dalandan, may dalandan, utak mo walang laman with your coffee ~

Alam kong mali ang lyrics ko, pake mo ba? At isa pa gusto ko lang mag endorse kaya ginawan ko ng version ko. Ehem beke nemen? Tseh!

Nagtatakang tiningnan ko ang mga taong nagkukumpulan na akala mo talaga ay may libreng pa noodles si mayor. Sakto at biglang dumaan iyung nakilala kong ali.

"Ate Je!" tawag ko rito. Agad naman siyang humarap at nginitian ako.

"Ano pong meroon?" tanong ko.

"Ay naku, hindi ba kasama mo si Kaizer?"

Taray si mother chismusa ang dating. Lumapit pa siya sa akin habang iniipit iyong walis sa kili-kili niya.

"Oo," tipid kong tugon sa kaniya.

"Hindi ba'y jowa mo ang gwapong bata na iyon?" tanong niya.

"Hindi po noh." Napangiwi ako.

"Sayang naman at bet ko pa naman kayo," saad niya.

"Jusku ate Jeje, iyong tanong ko po pake sagot na." Bigla naman siyang tumawa sabay hampas pa sa braso ko.

Walanghiya! Isa pa!

"Ganito kase 'yan hija. Di ba noong nawalan ka ng malay ay niligtas ka ni Gen, iyong lalakeng lagi mong kasama, iyong gwapo at—"

"Oo na ate kilala ko si Genrey." Putol ko sa paglalarawan niya kay Gen.

"Tapos ayon na nga nandoon din si Kaizer tapos ayon nagkagulo na dahil muntik ka ng halikan ni Gen... ikaw ha? Haba ng buhok mo." Kinurot niya pa ako sa tagiliran. Ako naman na malakas ang kiliti ay ayon tangena ayon muntik ko ng pasuntok si ate.

Kase naman!

"Tapos ayon biglang dumating iyong bruhilda na mukhang tipaklong na asawa RAW ni Kaizer," maktol niyang saad.

"So ano nga pinagkakaguluhan nila diyan?" nababagot kong tanong kay ate.

Sa susunod talaga hindi na ako magtatanong, iyong sagot niya ginawa niyang flashback. Tch.

"Ay, ewan ko ba hija, kakalabas ko lang din ng bahay. Sige ha, iyong sinaing ko masusunog na." Nagmamadali namang umalis si ate Jeje sa harapan ko.

Kamuntik pang madurog ang tasa na hawak ko. Demunyu! Wala naman pa lang alam, ang dami pang satsat.

Nakakaloka si Ate! Sa susunod, ako na lang gagawa nang paraan para makahanap ng sagot kaysa ma stress sa mga katulad ni ate na papampam. Pamaster kuno!

Naglakad ako papalapit sa kumpol. Malay mo may namimigay pa lang dolyar dito?

Agad naman akong nakasiksik at naabot ang pinagkakagulihan ng mga taga-rito.

Agad akong nagtaas ng kilay. Kamuntik ko pang mahagis sa pagmumukha niya ang babasaging tasa na hawak ko.

"We meet again, Gen." Nakangiti niyang saad. Lumapit pa siya at akmang bibiso nang pigilan ko ito.

"Ilayo mo iyang labi mong marumi sa makinis kong pisngi," I said.

Sanay na ang mga taga rito na ganiyang ako magsalita lalo na at naiinis ako. Nakita kong ngumisi si Ann na nasa harapan ko lang pala. Tulad niya ay bakas ang pagkairita sa babaeng ito. Sino ba naman ang hindi? Kung makakapit kay Kaizer daig niya pa ang sawa. Si Kaizer naman pilit na inaalis ang naka angklang kamay ni Shanon.

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now