Kabanata 5

1.1K 57 1
                                    

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa rito sa kasama ko. Paano ba naman kase daig niya pa ang six-years old na bata. Panay suka sa buong biyahe. Sinabihan ko nga na mag eroplano na lang sya, pero ayaw niya raw. Tch.

Napasinghap ako ng bigla na lang nagsuka sa gilid sa Kaizer, buti na lang at nakaabot na kami sa probensya at wala na kami sa sasakyan. Bali lalakarin na lang para makapunta kami sa bahay ng kaibigan ko.

"Okay ka lang?" Hinagod ko ang likod niya.

Hindi ba siya nauubusan ng maisusuka? Tch.

Ilang minuto pa ay natapos din. "Alam mo Kaizer, mabuti pa umuwi ka na lang," suhesyon ko.

"No. No. No. Masyado ng malayo kung babalik pa ako. Ang besides, gusto ko makasama ka," aniya sabay kindat.

I mentally rolled my eyes. Nagsusuka na nga may gana pang lumande. Kahit gwapo ka, hindi mo na ako maloloko. Hintayin mo lang talaga at uumpisahan ko na ang paghihiganti ko.

"Ikaw bahala." I walk straight. Sa bawat taong nadadaanan ko ay napapalingon sa akin.

Ehem syempre, Dyosa ang naglalakad.

May iba na nakikipag ngitian pa na akala mo talaga totoo. Duh! Mga plastic.

"Hi miss, when your name!?"

"Bobo! Hair yun! Hair is your name!?"

Sige magbatukan kayo mga ulopong. Tch. Ibinaba ko na mona ang bag ko. Ito naman kaseng si Kaizer hindi man lang magpaka gentleman at bitbitin itong bag ko. Hindi ko alam kung nakasunod pa ba siya o ano.

Tinawagan ko si Mary Ann, pero out of coverage yung cellphone niya. Hindi na rin ako familiar dito dahil marami na ang nagbago. Naku! Patay talaga.

Lumapit ako sa may tindahan.  "Excuse me ate?" tawag ko kay ate na nakatalikod at nag-aayos ng bote sa ref nito.

Naramdaman ko ang biglang pagtabi ng lalake. Naikunot ko ang noo ko ng masinghot ang maasim at nanampal na amoy ng kili-kili nito, tapos blended pa yun sa usok ng sigarilyo. Double kill.

Ito namang si ate napakahinhin ng galaw ultimo paglagay ng bote akala mo pagong. Potangena!

"Excuse me!?" pagpipigil ko.

Humarap naman siya na nakarugtog ang kilay. Actually maganda si ate, malake ang dyoga, unat ang buhok at morena.

"Bakit!?" pagalit niyang tanong. Agad na nagtaas ako ng kilay.
Attitude ka cyst?

"May kilala ba kayong Mary Ann Larrie Alcapaz na nakatira rito?" I asked.

"Wala!" pagalit pa rin niyang tugon. Apaka attitude talaga! Napa-ubo naman ako bigla nang makalangahp ako ng usok. Inirapan ko siya

Pero Potangena ginawa niya na naman ulit! Ikaw ba naman bugahan ng usok ng sigarilyo. Ikinibit balikat ko na lang iyon. Pero nanginginig na talaga itong kamay ko. Makakasuntok pa ata ako rito.

"Ah okay thank you." Irap ko. Ito namang si kuya, gagong gago sa sarili at bigla na lang pinalo ang p'wet ko.

Hindi ko na talaga matiis at papatulan ko na 'to.

"Gago ka ah!" Tinulak ko yung lalake, agad naman siyang napasalampak sa lupa. Hindi niya siguro inaasahan yun.

Medyo may kalakihan ang katawan nito at napupuno ng tattoo. Tangena hindi na nga kaaya-aya ang amoy napaka gago pa!

Ibinaba ko ang bitbit kong bag nang sunggaban ni Kaizer ang lalakeng nakasalampak na lalake. 

I stiff. Napaka lakas niya, halos madurog na yung mukha ng lalake. Inaawat na siya ng ibang lalake pero parang wala lang sa kaniya. He's so angry. So unstoppable. Pero pota! Dayo na nga lang manggugulo pa. Ugh!

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now