Abay

9 3 1
                                    

Plinano natin ang lahat na parang wala nang bukas. Ngunit lingid sa kaalaman kong ang istorya pala nati'y ibig nang magwakas.

Nagkamali ako. Hindi sa lahat ng pagkakataong sinasabi mong mahal mo ako ay gano'n nga ang nararamdaman mo.

Nagkamali ako. Hindi sa lahat ng pagkakataong nangako ka sa'king hindi mo 'ko iiwan ay maaasahan kong hindi ka nga lalayo.

Nagkamali ako. Hindi sa lahat ng pagkakataong nangarap tayo nang sabay ay ibig sabihing sabay rin nating tutuparin ang mga iyon.

Nagkamali ako. Nagkamali ako sa paniniwalang ikaw ang tatayo sa altar dahil ang akala ko'y inilagay mo ako sa pedestal. Mali. Nagpasya kang iba ang hintayin mo sa halip na ako. At ako? Naunang naglakad papunta sa'yo na nakangiti, pinipigil ang mga luha na kalauna'y alam kong magiging hikbi.

At ikaw, wala pa man ay nag-uunahan nang magsipagbagsakan ang mga luha mo dala ng masidhing damdamin para sa taong pinakamamahal mo. Ang taong 'yon ay ang kasunod ko.

Bago ako lumiko ay hayaan mo sana akong yakapin kita. Pagbigyan mo 'ko dahil alam mong ito ay huli na.

Magpapaalam na 'ko sayo, sana nama'y in ibaling mo sa'kin ang atensyon mo. Paalam na, Mahal. At maraming salamat.

Salamat sa mga plano at pangarap na binuo natin noon. Salamat sa mga pangako na hindi na natin matutupad sa isa't isa. Salamat sa pagmamahal na hindi naman nagtagal. At salamat sa pag-imbita mo sa'kin sa iyong kasal.

Hayaan mo, hindi ako mag aaksaya ng oras na hagilapin ka kapag dumating na ang panahon na ako ay maging masaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CadenceWhere stories live. Discover now