Kabanata 4

1.6K 60 13
                                    

Kabanata 4

Stupid

Kanina pa ako nakatingin sa harap ng salamin. Hindi ako sigurado kung ito na ba ang isusuot ko o kung magpapalit pa ba ako. Nakasuot ako ng isang itim na bistida na may kahabaang lampas tuhod. I don't usually wear short dresses. Nakasanayan ko nang magsuot ng damit lampas tuhod lalo na kapag lumalabas ng bahay.

Nakatulala ako sa salamin nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nakatanggap ako ng text message galing kay Ian.

Ian:

I'm sorry twiny, hindi na kita nahintay, still have an urgent appointment. Papasundo nalang kita mayamaya, just wait for my signal. Please, don't ever use the car. Sa hotel nalang tayo magkita, sabay na kami ni Ethan. See you there.

Napabuntong hininga ako. And why am I not allowed to use my car? Ako ang bumili nito pero bakit wala akong karapatang gamitin 'yon? When it comes to driving, kahit kailan ay hindi sila nagtiwala sa akin.

And speaking of Ethan, pupunta ba talaga siya? Sa palaisipang magkikita ulit kami ngayon, parang ayaw ko nalang pumunta. Pero ang sama ko namang anak kung hindi ko sisiputin ang mommy at daddy, diba? Halos dalawang buwan din kaming hindi nagkita. Gusto kasi nila ay doon na kami magkita sa hotel, pwede naman sanang umuwi muna sila dito sa bahay.

Pasado alas-otso na pero wala paring text si Ian. Sabi niya ay hintayin ko raw ang signal niya, diba? Bakit ang tagal? Anong oras ba ang dinner na 'to?

I tried to call mom but she's not picking up. Ganun din ang ginawa ko kay daddy pero wala rin. Pati si Ian ay out of coverage.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ni Ian at ginalugad ang susi ng sasakyan ko. Itinago ni Ian ang susi ko pero alam niyang alam ko kung saan niya inilagay 'yon. Kaya niya ako pinaalalahanan kanina dahil alam niyang anumang oras na gustuhin ko itong kunin ay tiyak na makukuha ko. Kung bakit ba kasi hindi siya mahilig mag-lock ng kwarto, palibhasa'y wala kaming kasamang iba dito sa bahay.

Nang mahanap ko ang susi, patakbo na akong bumaba. I miss driving! Huli akong nagmaneho ay disgrasya kong naibangga ang kotse ko sa gate ng bahay. Hindi kasi ako marunong paano kung paano ito ipasok nag maayos. Nang mapaayos ang kotse ko, hindi na nila ako pinayagang magmanehong ulit. Baka raw kasi mas malala pa ang susunod na mangyari sa akin kapag ipinagpilitan ko pa ang gusto ko.

"This is it." nakangiti kong sabi sabay buhay ang makina.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe nang muling tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya habang nakapokus parin sa pagmamaneho.

"Where are you?"

Kung hindi ako nakapagpigil ay baka naapakan ko ang minor ng wala sa oras. Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya at hindi ko na kailangang itanong pa kung sino siya. Huli na para malamang sinagot ko ang tawag nang isang hindi kilalang numero.

"I'm on my way. Nandiyan na ba si Ian?" tanong ko. Hindi ako pwedeng magpanggap na wala akong alam na kasama siya dahil magmumukha lang akong tanga.

"Sabi niya ay hindi ka niya makontak. Nasa loob na siya. Nasan ka? Susunduin-" matigas niyang sabi sakin. Hindi ko alam kung galit ba siya o kung ano.

"Malapit na ako...but still driving. Mauna-"

"What?! Nagd-drive ka? The fuck, Lian!" halos mabitawan ko ang hawak ko sa sobrang lakas nang sigaw niya. So what now if I'm driving?

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now