Kabanata 20

1.8K 58 6
                                    

This is the last chapter. Thank you for reaching this far.

____________________________________

Kabanata 20

Mademoiselle

"Welcome back!"

Tinapik ako ni Ian sa braso at ganoon rin ang ginawa ko sa kanya. Kakalapag lamang ng eroplanong sinakyan ko galing New York at nandito siya para sunduin ako. Hinubad ko ang suot kong sun glasses at sumakay ng sasakyan. It's been seven years.

"How is she?" I asked.

"She's doing good. Hinihintay ka pa rin hanggang ngayon."

Napag-usapan na namin ang planong ito bago ako magdesisyong bumalik. Mamaya ay may reunion ang batch namin at isasama ko ang pinsan kong si Mia para magpanggap na girlfriend ko. Gusto kong makita kung anong magiging reaksyon niya.

"Ready ka na?" tanong ko kay Mia. Nasa sasakyan na kami at papunta na sa venue.

"I'm nervous."

The moment I saw her at the party, gusto ko agad siyang yakapin at sabihing mahal ko parin siya hanggang ngayon. But I have to focused on Mia, kitang kita ko sa mga mata niya kung paano niya sundan ang bawat galaw naming dalawa.

"May dahilan ba para hindi ako maging okay?" sagot niya nang tanungin siya ng mga kaibigan namin kung okay lang siya.

"Sounds defensive." hindi ko maiwasang makisabat sa usapan nila. Natahimik silang lahat at sa akin tumingin. Biglang sumingit si Ian at pinutol ang usapan namin. Napunta ito kay Mia at mapapansing mas lalo siyang nawalan ng ganang makinig. That night, wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan siya at panoorin lahat ng kilos niya.

She changed a lot. But my feelings doesn't.

Lagi kaming magkasama ni Ian ng sumunod na mga araw. Ilang beses akong pumunta sa bahay nila pero isang beses ko lamang siyang nakita. She was pissed, at sa tuwing naiinis siya ay bumabalik sa akin ang lahat ng meron kami pitong taon na ang nakakalipas.

"Ian, wake up... Natatakot ako." may yumakap sa akin habang nakahiga ako sa kama ni Ian habang nasa banyo siya at naliligo.  Nanigas ang buong katawan ko nang humigpit ang yakap niya sa akin. Nakatihaya akong nakahiga pero nakapatay lahat ng ilaw kaya hindi niya nakitang hindi ako si Ian.

Iikot na sana ako para yakapin rin siya nang lumabas naman si Ian sa banyo. Gulat na gulat siya pero mas nagulat si Lian. Agad siyang tumayo at kamuntikan pang natisod sa pagmamadali.

"I'm sorry.. I thought that was you." sabi niya at agad na lumabas.

Sumunod si Ian sa kanya at naiwan akong apektado parin sa mga yakap niya. Fuck, I waited for seven years, mayakap lang siya ulit. Bumaba ako para mahismasan, kailangan kong uminom ng malamig na tubig para pahintuin ang nag-iinit kong katawan. It was just a hug!

Naabutan ko siyang nasa kusina at nagsasalin rin ng tubig. Nabigla siya ng bigla niya akong makita. Kahit walang ilaw ay kitang kita ko ang bulto niya mula sa ilaw na galing sa ref.

"Ian, ano ba?!"

"It's Ethan."

Kumuha ako ng tubig at sumandal sa lamesa. Malalim ang iniisip niya na marahil ay nag-iisip kung paano siya dadaan sa harapan ko. Well, there's no other way.

"Daan na." sabi ko at umatras. Nang nasa tapat ko na siya ay agad ko siyang itinulak sa pintuan ng ref at ikinulong sa mga braso ko.

"E-Ethan.." kitang kita ko sa mga mata niya ang takot.

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now