Kabanata 18

1.4K 54 0
                                    

Kabanata 18

Swimming Pool

Tinanghali na kami nang gising kinabukasan. My whole body is sore. Pero pinilit ko paring bumangon dahil nagmamadali siyang kumilos dahil nga may pupuntahan raw kami. I don't know what's on his mind. Ngunit dahil bakas sa mukha niya ang saya ay masaya na rin ako. He kept on teasing me, wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako habang asar na asar naman ako.

"We're here."

"At?" I asked. I heard him laughed.

"You should try to think faster." at tuloy parin siya sa pagtawa.

Nang-iinis ba siya?

"Ano bang meron dito? Anong gagawin natin?" naiinis kong tanong. Wala akong maintindihan!

"Anong gagawin natin? Hmmm, maybe we should try to make love at the pool."

Nasapak ko siya sa braso. Nagkibit balikat ako saka siya tinalikuran.

"Ayaw mo ba no'n?" He keep on asking.

"Huwag mo nga akong niloloko."

"I'm not joking."

Muli akong humarap sa kanya at nakita kong seryoso nga ang mukha niya.

Hinapit niya ako sa bewang. Alam kong walang ibang tao dito bukod sa aming dalawa kaya hindi na ako umangal.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" luminga linga ako sa paligid, baka kasi mayroon na naman siyang patibong na hindi ko alam. Nasa harapan kami ng malawak na swimming pool nila.

"Gusto kong maligo."

"Sa pool? Seryoso ka ba talaga?"

"Saan mo ba gustong maligo? Hmm, pwede naman tayong umakyat sa kwarto ko at sabay na maligo." may panunukso sa boses at ngiti niya. Inirapan ko siya at mas lalo siyang natawa.

"Tapos na nating gawin 'yon sa kwarto mo, pano naman ang kwarto ko?"

"We... W-we can d-do...." hindi ko alam kung tama bang sabihin iyon. I'm not used to this!

Umalingawngaw sa buong paligid ang tawa niya. Alam niyang hindi ko ito kayang sabihin kaya mas lalo akong namula. Nakakabwesit, ba't ba nahihiya parin ako sa kanya sa kabila nang nangyari sa amin kagabi?

Kumalas ang kamay niya sa bewang ko. Naghubad siya ng pang-itaas kaya umangal agad ako.

"Seryoso ka ba talaga? May balak ka talagang maligo?"

Umatras ako. Ayokong maligo! Masakit talaga ang katawan ko para mababad sa tubig.

"Hindi mo ba ako sasamahan? Paano kung malunod ako?"

"Paano ka malulunod kung marunong kang lumangoy- Ethan!"

Walang pasabi niyang inihulog ang katawan sa tubig kaya lumikha iyon nang malakas na pagbagsak ng tubig. Hinintay kong lumitaw siya para sermunan pero hindi siya agad nagpakita. Lumapit agad ako sa tubig, kahit bula o paggalaw sa ilalim ay wala akong maaninag.

"Ethan!" sigaw ko kahit alam kong hindi niya naman ako maririnig.

"Ethan! Wag mo nga akong paglaruan!" patuloy kong sigaw.

Minuto na ang lumipas pero wala parin siya. Damn! Tatalon na ba ako? Marunong siyang lumangoy pero teen feet ang pool kaya malay ko ba kung pinulikat na siya sa ilalim.

"Damn!"

Nakapikit na naghubad ako ng damit saka kumuha nang bwelo bago tuluyang tumalon. This is shit! Kailangan kong maghubad dahil naka dress ako! Makakatikim talaga siya sa akin pagkaahon at pagkaahon namin dito!

Ruthless (Doctor Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now