Kabanata 16

112 8 0
                                    

Kabanata 16

Under Illusion



Beatrix Aubrey's POV

Agad naman kaming nagsi-puntahan sa mga pegasus na naka-kulong sa gilid. May nakita akong kulay puting pegasus at may kalakihan ang pakpak.

Base sa kaniyang mukha ay babae siya lalo na't mahaba ang kaniyang pilik mata. She has a white long silky hair and her wings are white as snow.

Halatang inaalagaan siya dahil ang ganda-ganda ng kaniyang balahibo.

Hahawakan ko sana ang ulo nito nang bigla nalang itong sumigaw at nagwala dahilan para mapa-atras ako.

'Hala!'

"W-what happened?" Nauutal na tanong ko dahil sa gulat.

Agad na pinuntahan ito ng may-ari at sinubukang pakalmahin ang pegasus. Ngunit kahit anong pilit niyang pagpapakalma dito ay panay ang pagwawala nito habang ang mata ay nakatutok sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit bigla nalang siyang nagwala.

'Ayaw niya sa akin?'

Sa huli ay kailangan munang lagyan ng blind fold ang pegasus at tuluyan na itong kumalma.

Humarap sa amin ang may-ari na bakas rin ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Ano pong nangyari?" Tanong ni Liza nang maging maayos na ang lahat.

"Ngayon lang nangyari ito. Sa tagal ko nang nagpapa-upa ng mga pegasus ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito," mahinang sabi ng may-ari at bahagya pang ipinilig ang ulo.

'So, sa akin lang niya ayaw?'

Bahagya akong napanguso dahil sa naisip. Wala namang mali sa akin para ayawan ng pegasus, ah?

"Ayaw po ba ng pegasus sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Katie.

"Parang ganoon na nga," sabi ng may-ari na mas lalong ikinalungkot ko.

'Ano ba iyan! Ngayon na nga lang nakakita ng pegasus ayaw pa sa 'kin! Nakakainis!'

"You can ride with me" rinig kong sabi ni Martin

"Ride with me" sabi naman ni Gray na kasabay na magsalita ni Martin.

Si Martin ay nakasakay sa kulay dilaw na pegasus habang si Gray ay nakasakay sa kulay dark blue na pegasus.

Napatingin ako sa kanila at nakitang magkatabi sila. Kitang-kita ko pa ang pagtalim ng paningin ni Gray kay Martin dahil sa sinabi niya.

"Siguro kung hindi ikaw ang mag-kokontrol ay walang problema, hija. Subukan mong sumakay sa pegasus ng iyong kasama," sabi ng may-ari.

Tumingin ako sa kaniya at tumango. Akmang magsasalita na sana ako ngunit natigilan ako nang muling magsalita ang dalawang lalaki.

"Come here" Yaya ni Martin.

"Here" sabay na naman ni Gray kay Martin.

Muling tumalim ang paningin ni Gray kay Martin ngunit hindi ito pinansin ni Martin. Nanatili siyang nakatingin sa akin at mukhang hindi napapansin ang mga gawain ng katabi niya.

Alam kong gusto lang naman tumulong ni Martin ngunit hindi ko alam kung ano ang problema ni Gray para samaan niya ng tingin si Martin.

'He's actually acting weird since last week. After the ball'

"U-uh...dito nalang sa akin si Bea. Tara," sabat ni Liza nang manaig ang katahimikan.

Napatingin ako sa kaniya at nakita kong pinandilatan niya ako ng mata. Bahagyang umawang ang labi ko at tumango.

Darkness the New Light | ✓Where stories live. Discover now