Kabanata 35

78 8 0
                                    

Kabanata 35

Traitor’s luck










Liza’s POV

“It also said that we’re being fooled. The true enemy is hiding behind the mask. Malapit lang sa atin ang totoong kalaban,” sabi ni Gray dahilan para muli akong napatingin sa kaniya.

“N-Nasa panig natin ang totoong kalaban?” Nauutal na tanong ko dahil sa takot.

‘So...there’s a traitor in us’

Kung mayroon man, nasaan siya? Nasa loob ng palasyo? Akademya? Paniguradong malapit lamang iyon sa ganoong lugar dahil may mataas na posisyon.

Kapag may mataas na posisyon sa Untunnie, madali lamang siyang maki-alam sa desisyon ng mga matataas.

“It said. But let’s not fully trust that voice,” sabi niya at nangunot ang noo ko.

“Bakit naman? Malay mo ay isa na itong senyales? It is a big points for us!” I exclaimed but he just gave me a bored look.

“And what if it’s just a Darkian messing with my head. A plan to distract us. Remember that only a Darkian have an ability to manipulate dreams,” Nababagot na sabi niya.

Napalabi ako at tumango. Darkians nga lang pala ang may kakayahan na kontrolin ang mga panaginip.

“That’s why I’m asking you if you know something about the Darkians,” Walang emosyon na sabi niya at umawang ang labi ko.

‘What the hell?’

“Did you just accused me as a traitor?!” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Hindi man niya sinabi ng direkta ay alam kong iyon ang pinapahiwatig niya kanina.

Nagkibit balikat siya at iniwas ang tingin sa akin. Iniwas ko na rin ang tingin ko sa kaniya dahil baka masabutan ko siya ng ‘di oras.

‘Hindi ako traydor, ‘no!’

“Don’t know. Mamaya ay ikaw pala ang traydor,” sabi niya at napaismid ako.

“Tss,” singhal ko.

“That's not all,” sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

“Meron pa?” Tanong ko at tumango siya.

“Hmm...but this time, I knew that it is the truth”

“Ano?”

‘She who returned,
She who will destroy them all,
She who will finish it all,
She who will snap to end,

Her real form will be seen,
The day where the curse was born,
They will rise once again,
Creatures that will be awaken,

One who they believed was true,
And one who was treated as a curse,
One who they thought was good and pure,
But was the one who has bad desire,

They turned the tables,
The real story was sealed,
For them to believe her,
Memories were taken,

Lost will be the hardest part,
But the word ‘lose’ will never be on her part,
Traitors, heartbreaks, and pain may occur,
But trust me, her intention is pure’

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tumutula siya o ano dahil mukhang tula ‘yong sinabi niya. Pero sobrang seryoso ng mukha niya kaya hindi ko malaman kung ano ‘yon.

Darkness the New Light | ✓Where stories live. Discover now