Kabanata 25

83 5 0
                                    

Kabanata 25

Samstric Ball



Beatrix Aubrey's POV

Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Sino ang babaeng iyon? Bakit niya ako pinapunta sa lugar na iyon at ako ang lugar na iyon? Bakit niya binigay sa akin ang gown na ito? Anong lenggwahe ang sinasabi niya sa akin kanina?

Hindi ko alam kung ilang minuto nabaling nakatayo sa harap ng cashier, hawak-hawak ang paper bag at tulala. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina lang.

"Tapos ka na, Bea?" Nabalik ako sa realidad nang biglang magsalita si Aby.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko siya duon na nakatayo. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

"H-Huh? Ahm...Oo, kayo?" Nauutal na tanong ko.

"Tapos na. Binabayaran nalang ng iba ang kanila," sabi niya.

Napatingin tuloy ako sa likod niya at duon nakita ko sila na abala sa pagbabayad ng mga binili nilang gown.

"Bea, may tanong ako sa iyo," sabi ni Aby.

Nabalik sa kaniya ang paningin ko at kumunot ang noo.

"Hmm? Ano iyon?" Tanong ko.

"Nakakaintindi at nakakapagsalita ka ba ng salita ng Darkians at Untunnia?" Tanong niya at mas lalong kumunot ang noo ko.

'May ganoon ba?'

"Huh? Anong klase?" Kunot noong tanong ko.

"Like 'Meco hiwt su' at 'Resu' ?" Patanong na sabi niya.

Bahagya akong natigilan dahil parang ganiyan ang pananalita ng babae kanina. Hindi ko alam na ganoon pala ang lenguwahe ng mga Untunnias. Para naman kasing nagcha-chant ka ng spell.

'Pero bakit naman niya iyan natanong? Alam rin ba niya ang lenguwahe ng Untunnie?'

"Hindi. Ano bang ibig sabihin niyan?" Nagtatakang tanong ko.

Sandali natigilan bago tumikhim at ipinilig ang ulo.

'Hindi niya alam?'

"Ewan. Narinig ko lang 'yan at siguro ang ibig sabihin ng una ay 'sumama ka sa amin' at 'yong isa yata ay 'sige' ?" Patanong na sabi niya.

"Saan mo ba narinig 'yan?" Kunot noong tanong ko.

Kung hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin non at hindi siya marunong magsalita ng lenguwahe ng Untunnie, bakit niya alam ang mga salitang iyon?

"Hindi ako sure. Matagal na rin, eh," sabi niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

'Liar'

Madalas nilang gawin iyan, kapag May tinatago sila sa akin ay nag-iiwas sila ng tingin sa akin. Madali silang basahin at hindi ko alam kung alam nila iyon. Ni hindi nga yata kila sinusubukang itago kung magsisinungaling sila o hindi.

Hindi na ako nagsalita at inantay nalang namin ang mga kasama namin. Hindi naman nagtagal ay natapos na silang magbayad ng kanilang mga pinamili kaya nagpasya na kaming umuwi.

Bumalik kami sa chariot na iniwan namin at muling sumakay duon. Habang nasa byahe ay sila-sila lang ang nag-uusap at hindi na ako nakisali pa.

Dahil sa ginawa ng babae kanina ay parang hinigop nito lahat ng lakas ko kaya ngayon ay pagod na pagod ako. Sa tingin ko ay portal ang ginawa niya dahil bigla akong nawala sa lugar ka iyon.

Isang nakakahilo at nakakasukang portal. Parang dinaig ko pa ang sumakay sa mataas at mahabang roller coaster. Kaya nang makabalik kaming palasyo ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para makapagpahinga.

Darkness the New Light | ✓Where stories live. Discover now