"Will you stop crying already? It's really annoying," masungit na sabi ni Rhyken sakin.
Hindi ko alam kung saang parte na kami ng mall napunta pero walang masyadong dumadaan na tao rito. Mukhang nailigaw na din namin yung babaeng humahabol sakanya.
Lalo kong nilakasan yung iyak ko para maasar siya lalo.
Hindi ko talaga matanggap na binuhat niya ako na parang sako ng bigas sa harap ng maraming tao!
I have always dreamed to be carried by a man - but not that way! I felt so humiliated.
Sana lang walang mga usisero na kumuha ng video non. Baka mabigla na lang ako sikat na pala ako.
Lalakasan ko pa sana yung iyak ko kaso malas lang at wala nang lumalabas na luha.
"Seriously, stop crying! Babayaran ko na nga diba?"
Tingnan mo to! Tumigil na kaya ako sa pag-iyak! Malamang pahikbi hikbi pa ko at nagpupunas ng uhog diba?
Nakatayo lang siya sa tabi ko at kunot ang noong nakatingin sa kung saan.
"Pano ko masisiguradong di mo ko tatakasan?" Tanong ko.
He sighed and then looked at me, finally.
Tinanggal niya yung mask na suot niya kanina kaya naman kitang-kita ko ngayon ang kagwapuhan niya.
Seriously, kung hindi lang talaga matalim ang dila nito, magkaka-crush ako dito.
As usual, naka-all black na naman siya. Miyembro yata ng kulto ito eh. But damn, he looked so good in black.
"Get up," masungit na utos niya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Follow me," sabi lang niya, ni hindi sinagot yung tanong ko.
Bakit ba mag-kaugaling magkaugali ito at si Ryo?! Kung makautos sila akala mo hari eh!
Sinundan ko na lang siya, baka mamaya buhatin na naman niya ako na parang sako ng bigas.
Pumasok kami ulit ng mall at halos tumakbo ako para lang mahabol siya. Ang bilis niyang maglakad! Eh ang haba pa ng binti niya. Parang isang hakbang niya, tatlong hakbang na sakin!
Hinihingal ako nang sa wakas ay maabutan ko siya!
Pero bago pa ko makapagsalita, hinila na niya ko papasok sa isang shop na nang mapagtanto ko eh cellphone shop pala.
"Choose," he said, not even bothering to look at me.
"Huh?" Parang tangang sabi ko. Kasi naman! Tama ba yung narinig ko? Pinapabayad ko lang naman yung magagastos sa pagpapa-repair ng phone ko, hindi ako nagpapabili ng bago!
"Mamili ka," naiinis na sabi niya saka ako tiningnan.
"Ganun ka ba talaga katanga na simpleng salita lang, hindi mo pa maintindihan?" Walang prenong panlalait na naman niya.
I took a deep breath to calm myself. Ramdam kong tumataas na naman yung Rage Meter ko.
"Pasensiya naman no. Malay ko ba kung namali ako ng dinig. Anyway, gusto ko lang naman bayaran mo yung pagpapa-repair sa phone ko. I was not asking for a replacement," sabi ko na lang.
Pasalamat siya nagsimba ako kanina kaya yun na nga lang yung hinihingi ko eh!
"Look, you either pick a phone now or you'd get nothing from me at all. Take it or leave it."
Makakakontra pa ba ako sa sinabi niyan iyon?!
I rolled my eyes
"Fine."
BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...