Chapter 27
"Hey, could we go over the chorus part one more time? It seems a bit off to me."
Napaangat ang tingin ko kay Rhyken na lumapit sa akin. Narito kami ngayon sa studio para sa band practice.
Apparently, we were invited to play in a university fair this coming weekend. One of the event organizers saw our video on facebook and immediately included us to the list since they were looking for underrated local bands.
"Sure. Mula ba sa simula ng chorus?" tanong ko at umayos ng upo at ipinosisyon yung mga kamay ko sa keyboard.
"No. Dun lang sa may tenen tenenenen... ten..."
Ahh. Gets ko. Medyo nag-aalangan nga ako sa part na yun. Original song kasi nila ito kaya hindi ko pa siya gamay talaga tugtugin. Not to mention, they make the most complex compositions!
"Ito bang ten tenenen tenen?" tanong ko kasabay ng pagpindot ko sa keys.
He frowned a bit and moved closer to me while looking over my shoulder.
"I knew it. Something's wrong," sabi niya bago yumuko at pumindot dun sa keyboard.
"It's actually tenen tenenenen ten, not ten tenenen tenen," pagpapaliwanag niya habang pumipindot.
Tiningnan ko kung pa'no niya yung tinugtog at pagkatapos ay ginaya ko.
"Ayun! Nakuha ko na! Tama na, di ba?" baling ko sakanya habang maluwang ang ngiti. Buti na lang perfectionist itong si Rhyken kaya ramdam pa rin niya na may mali sa tunog ko.
Maang na nakatingin lang siya sa akin bago biglang lumayo.
"P-pwede na. Sabayan mo na yung gitara ko," aniya bago inayos ang effects ng gitara niya at nagsimulang mag-strum.
At nung nandun na kami sa part na yun, he looked at me and gave me a nod. Ganun na lang yung saya ko nang masabayan ko siya nang swabe!
"Ang galing mo palang magturo, Boss!" sabi ko at makikipag-high five sana sakanya kaso biglang lumayo na pala siya sa akin.
Ang sungit! Napapahiyang ibaba ko na sana yung kamay ko nang mula sa likod ay may nagdikit ng palad niya sa palad ko.
Sa bilis pa lang ng tibok ng puso ko, alam ko na agad kung sino ito, eh.
Napatingala ako sakanya at nakita ko ang nakangiting mukha ni Ryo.
"Well done, Hon," mahinang sabi niya. Yung tipong ako lang yung makakarinig.
Naramdaman ko ang unti-unting paggapang ng init sa mukha ko. Napaka talaga ng isang 'to!
"S-Sira-ulo!" sabi ko at mahigpit na pinisil ko yung kamay niya.
He just laughed and ruffled my hair.
"Bawal po ang SPG dito."
"Get a room, please. There are many to choose from."
Agad na nabaling ang tingin namin ni Ryo kina Luke at Yohan na nakangisi lang habang nakatingin sa amin.
Bago namin sinimulan ang practice kanina, sinabi namin ni Ryo kung ano ang namamagitan sa amin.
They did not appear to be surprised which I found really weird. I was expecting them to be shocked at the very least.
Pero kahit hindi sila nabigla, pinaulanan pa rin nila kami ng tukso.
"Sa wakas, bro! Nagbunga na rin ang pagiging stal—"
Hindi natuloy ni Luke ang sasabihin niya nang batuhin siya ni Ryo ng isang throw pillow na nasa sofa.
BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...