Writing A Good Story Plot

2.9K 127 26
                                    

Writing A Good Story Plot

 

Para sa mga baguhang manunulat tulad ko, alam naman nating lahat na ang pagsusulat ay kusang sumasapi sa atin. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo pagdating sa pagsusulat. Kusa itong papasok sa utak mo na ipo-process ng mga magic kamay mo gamit ang lapis at papel na didiretso naman sa mga utak ng mambabasa.

Unang-una, huwag kang magsulat kung ayaw mo. Dahil ang pagsusulat, passion iyan. Ibig sabihin, kapag nagsulat ka, iyon ay dahil gusto mo, iyon ang nagpapasaya sa iyo na para bang pagsusulat nalang ang gusto mong gawin habang-buhay. Well, except for school activities and essays na kailangan mong gawin at mapipilitan ka talagang magsulat kahit na ayaw mo.

Pero inuulit ko, magsulat ka dahil gusto mo.

Pangalawa, kadalasang problema ng bawat writer: “Ano po bang magandang plot at magandang gawaan ng story?”

Ang sagot: Kung ano ang nasa utak mo.

Isa pang sagot: Kung ano sa tingin mo ang kwentong bebenta sa panahon ngayon.

Kasi ganito iyan. Ang plot ng isang kwento ay hindi natin masasabi kung kailan iyan papasok sa utak mo. At dumedepende rin ang takbo ng istorya sa genre na napili mo base narin sa inspirasyon na meron ka.

For example: Hindi ka pwedeng magsulat ng humor kung ang inspirasyon mo sa pagsusulat ay mga action movies at patayan bakbakan chenes. Hindi pwede iyon. Unless, na-inspired ka sa mga labanan na ililigtas ni guy si girl sa ganito kasi nakidnap ganyan na pwedeng sulatan ng isang romance genre.

At isa pa, pwede ka ring kumuha ng mga ideas sa mga top trending topics in today’s generation. ‘Yun bang naisip mong magsulat ng tungkol sa Flappy Bird, DOTA2, Boom Panes, Shake It Off at kung anu-ano pang mga bagay na makikita mo lang sa tabi-tabi.

Ayon sa paniniwala ko, ang pagsusulat ay unpredictable. Hindi mo alam kung saan, kailan o anong anong oras ka tatamaan ng kasipagan para magsulat. Kahit na madaling araw ka nagkaroon ng ideas, kailangan mong bumangon anumang oras at magsulat para lang hindi mo makalimutan ang mga good ideas na naiisip mo.

How to write a good story? Walang ibang paraan diyan kundi ikaw. Ang mga ideas kasi, lumilipad-lipad lang iyan. Hindi mo alam kung paano sila dadapo sayo.

Like for example: Dahil writer rin ako, syempre ayoko naman na cliché ang isang istoryang isusulat ko. To be unique in any story you’ll write, hayaan mong ang pagsusulat ang kusang lumapit sa iyo. Kasi may mga plot ideas na nakukuha mo lang sa pagtitig sa saging (ehem), sa panonood ng isang basketball game, sa paghuli ng gamu-gamo, pagpatay ng ilaw sa kwarto, sa pagsipa ng isang lata sa kalsada, sa pagpupulot ng balat ng kendi sa school grounds at kung anu-ano pa.

You can’t predict your ideas. Minsan kasi, ‘yung mga bagay na inaakala nating walang kwenta, iyon pa ‘yung magbibigay sa atin ng inspirasyon para makagwa ng mga bagay na hindi natin aakalaing kaya nating gawin.

Be inspired by everything. Masasabi kong weird nga dahil kung saan-saan ka pwedeng makakuha ng isang kwento pero dahil sa mga maliliit (o malalaki) na bagay na ginagawa mo, nakakapag-imagine ka at may nabubuong kwento sa utak mo na kailangan mong isulat.

Advice ko lang: Hindi mo kailangang magsulat ng kwento na papatok sa mga kabataan o sa kahit na sinong magbabasa. Magsulat ka kasi iyon ang nais ng puso mo, hindi ng utak mo.

Ang utak natin ay ang taga-process lang nga mga bagay na ginagawa natin. Pero ang main source ng passion? Sa puso.

Keep writing. Be inspired by the things around you.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Where stories live. Discover now