Additional Tips

1K 48 3
                                    

Additional Tips

Note: These tips are all according to my experiences as a writer and as a reader.

1.       Feel the scenes. Have emotions. Put yourself in the feet of your characters. Kapag madrama ang scenes, syempre magdrama ka rin. I-feel mo ang bawat pangyayari sa story mo. Kaya ng mas mahugot ‘yung mga may experience sa bawat isinusulat nila. Kasi naranasan na nila, or at least ikaw, kung sakaling hindi mo pa nararanasan ang ganun, idaan mo nalang sa mga tanong. Ano bang mararamdaman mo kapag sayo nangyari iyon? Anong gagawin mo kapag ganito at ganyan churvabells?

2.       Avoid that freakin’ “Author’s Note” in the middle of the story. Kung may sasabihin ka sa readers mo, sa umpisa o sa dulo nalang, okay? As you can see, kahit saang kwento ko kayo magbasa, wala kang makikitang author’s note o kahit anong panggulo sa bawat chapters ng story ko. Unless, kailangang-kailangan talaga. Pero hangga’t maaari, hindi talaga ako naglalagay. You know what, I knew it. Naging reader na ako online and offline. Nakaka-bwisit ‘yung mga naka-singit-singit na message ni otor sa bawat story. Nagbabasa ka, nafi-feel mo na ‘yung kwento, tapos biglang may eepal na author’s note? Ano toh? Sa dulo nalang ang author’s note, please lang. O hangga’t maaari e sa dulo nalang ng story mo. Oo, sa dulo talaga. Next to Epilogue or last chapter para minsanan

3.       Learn to manage your time. Dahil hindi sa lahat ng oras ay makakapag-sulat ka. Ako kasi,  ang ginagawa ko, gumagawa ako ng schedule sa mga updates ko. Siguro malaking tulong iyon kasi alam mo kung anong oras ka mag-uupdate. And it is better to know your priorities bago ka magsulat. Ayaw ko kasi nung nagsusulat ako pero mayiba akong iniisip like homeworks and school projects. Bago ka magsulat, tapusin mo muna ang lahat ng dapat mong tapusin.

4.       Eat chocolates. Hindi kita pinipilit kung ayaw mo, okay? Pero effective ito sa akin dahil narin siguro mahilig ako sa sweets. Para sa akin, chocolates ang lucky charm ko kapag nagsusulat ako.

5.       Don’t write if you don’t want to. ‘Wag mong pilitin kung ayaw. Hinayin mong kusang bumalik si inspiration.

6.       Get enough sleep. Para hindi ka sabog kapag nagsusulat ka. Isa pa, kailangan mong matulog para ma-relax si brain at makapag-isip ka ng maayos. But there are instances na kapag hindi ka nakapag-sulat ay hindi ka makakatulog. For me, nagsusulat ako bago matulog. Tsaka minsan, kapag nagising ako ng madaling araw ay nagsusulat ako paa antukin ulit. Well, at least, nakapag-sulat ako ng kahit isang chapter man lang.

7.       Be inspired by everything. Be passionate. Oo, everything talaga. Hindi mo  naman kasi malalaman kung anong makakapag-motivate sayo para magsulat. I’m sure nasa tbi-tabi lang sila.

8.       Magsulat ka kung kailan mo gusto. Ako kasi, nakakapag-sulat lang ako kapag malamig ang panahon. Lalo na kung may bagyo o kaya ay umuulan. At kadalasan, gabi ako nagsusulat. Ewan ko sa ibang writers pero ganun talaga ako. Magsulat kung kelan mo feel magsulat.

9.       Bring notebooks or notepads everywhere. Para kapag may nag-popped na ideas sa utak mo, hindi mo makakalimutan dahil maisusulat mo agad sa notebooks mo. Or pwede rin sa memo ng phone mo. Basta maisulat mo ang idea na ‘yun para hindi lumipad paalis ng utak mo.

10.   Pray. I don’t need to explain this. Alam niyo na ‘to.

Iyan lamang ang ilan sa mga bagay na masasabi kong “tips”. Dahil iyan lahat sa experiences ko. Pero hindi ko naman sinasabi na sundin niyo lahat iyan dahil hindi naman sa lahat ng tao ay effective iyan. Siguro ‘yung iba, kapag nakakain ng chocolates ay aantukin sila, pero sa akin iba ang epekto nun.

Iba-iba kasi talaga tayo. Pero sana nakatulong parin ako.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Where stories live. Discover now