How to Avoid Cliche

1K 41 1
                                    

How to Avoid Cliché

 

Rawr! Cliché. Haha. Isa sa mga bagay na kinaiinisan ng isang writer lalo na kapag may kapareho ka ng plot. Siguro nagkataon lang, pero sa lahat ng oras, hinding-hindi mo maiiwasan ang pagsusulat ng cliché stories. Especially when the genre you chose is cliché itself.

Mga dahilan kung bakit nagiging cliché ang kwento mo:

1.       Sobra kang na-inspired. Sa sobrang paghanga mo sa isang kwento, hindi mo namamalayang nagagaya mo na pala ang writing style niya o ang mga ilang scenes sa sarili niyang kwento. You are too doomed sa mga mababasa mo.

2.       You are influenced by your surroundings. Ayan. Ito ang kadalasang nangyayari. Naiimpluwensyahan ka ng mga tao sa paligid mo. Gaya na lamang ng expressions. Kapag lagi mong naririnig, nagagaya mo. Another thing that alwas catches your influencial resistance ay ‘yung mga uso sa panahon ngayon. Kaya nagiging cliché ang gawa mo  kasi nakikisabay ka sa uso in which case ay pare-pareho na kayo ng gawa.

3.       Your genre itself is cliché. Kasi ang ginagawa mo, kung ano ‘yung mas mabenta sa lipunan, ayun ‘yung genre na ginagamit mo. You better write what you think of. Hindi ‘yung kung ano ‘yung magugustuhan nila, ‘yun ‘yung gagamitin mo. Be yourself even that’s only writing. Oh, wait. That’s not only writing. Writing is everything.

Mga paraan para maiwasan ang cliché stories:

1.       Read more books in different genre. Hindi naman masama ang makakuha ng ideas sa ibang libro o kwento. Pwede mong paghalu-haluin ang iba’t-ibang magagandang scenes na nababasa mo, just don’t copy the complete thought.

2.       Think of twisty twists. ‘Wag mo nang gayahin ‘yung alam mong napaka-common na. Mag-imbento ka ng sarili mong pangyayari. ‘Yung alam mong sa sarili mo ay magugustuhan ng mga mambabasa dahil sa buong buhay nila, ikaw pa lang ang nakakagawa ng ganoong istorya. Be original.

3.       ‘Wag kang magsulat kung alam na ng reader mo ang susunod na mangyayari. That only means na kapag na-figure out na nila ang twists mo, sobrang super duper cliché na ng istorya mo.

4.       Have a wide imagination. Pwede mo ring paghaluin ang experience mo sa imagination mo. You just have to mixed all the ideas to create a unique story.

Iyan lang muna siguro ang masasabi ko. Ilang beses ko na itong sinasabi pero  uulitin ko ulit: write because you want to. Not because of anything else.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Where stories live. Discover now