Giving Dedications

897 42 1
                                    

Giving Dedications

Ang pagbibigay ng dedications ay hindi basta-bastang bagay. Hindi porket sinabi ng isang reader mo na bigyan mo siya ng dedication ay tatanggipin mo agad iyon. I am not saying na ipagdamot mo ang pisting dedication na ‘yan pero masasabi kong napaka-espesyal ng isang “dedication”.

Mag-dedicate ka ng chapter sa isang tao kasi may naitulong siya sa paggawa mo ng istorya. O dahil na-inspire ka niya at may nagawa siyang maliit o malaking bagay na nagpa-improve sa pagsusulat mo. Another thing, halimbawa ay isa siyang avid reader mo at walang mintis na nagvo-vote o nagco-comment sa mga updates mo. Then, you can give him/her a dedication as a payment or tribute sa suportang ibinibigay niya sa iyo.

Huwag na huwag kang mag-dedicate ng story sa isang tao dahil lang sa sikat siya or what. Halimbawa nalang kay HaveYouSeenThisGirl. Sikat siya at talaga nga namang magaling na manunulat. Pero sa minu-minutong may nagde-dedicate sa kanya ng chapter ng isang istorya, sa tingin mo ba mababasa pa niya ang lahat ng nasa dedication list niya?

Come to think of it. Importante na ang pagbibigyan mo ng sagradong dedikasyon na ‘yan ay ang mga taong nakatulong talaga sa iyo. O kung may malaking role sila sa buhay mo at ‘yun bang “willing” o “open” ka na para sa kanila talaga iyon.

Give dedications to the one who really deserve it.

That’s what I meant. No harm cause.

Guhit sa Papel (Writing Tips and Advice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon