Chapter XIX

3.4K 176 3
                                    


“Any other lead sa kaso ng kaibigan mo?” tanong ni Mang Delfin sa anak na si Jojo. Isa itong retired na Major General.

Kakauwi lang ni Jojo sa bahay nila na nasa Isla Muevo at may isang oras din ang byahe kapag nakabangka mula  sa Isla Azul. Hindi niya inaasahan na aabutan niya pang gising ang Papa niya na nakaupo sa mahabang sofa sa may sala ng bahay at nagkakape. Madaling araw na kasi. Dati rin itong pulis na naka-assign sa Isla Azul noong doon pa sila naninirahan.

Pero mula nang mamatay ang Mama niya ay lumuwas na sila ng Maynila upang doon siya magpatuloy ng pag-aaral. Nag-asawa din naman muli ang papa niya at nang makapagtapos siya ng criminology ay kumuha ang Papa niya ng bahay sa Isla Muevo. Hindi nga niya ito maintidihan dahil gusto nitong maging pulis siya sa Isla Azul pero ayaw naman nitong muling manirahan doon. Naisip niyang baka naiinip na lamang din ito dahil matagal ding nanilbihan sa Isla Azul bago maging isang major general hanggang sa tuluyan nang mag-retire.

“Wala pa pong bago ‘Pa, angle lang po talaga ng drugs ang dahilan na nakikita namin kung bakit nagawa ‘yon ni Mel. May ibang drugs pa po kaming nakita sa kwarto ni Mang Lester pero iba sa drugs na tinake ni Mel. Kaya may possibility po akong nakikita na baka sa ibang tao nakuha ni Mel ang drugs niya.”

“May suspect na naman kayo sa nangyaring massacre ‘di ba?” tanong ni Mang Delfin pero nanatili ang mga tingin sa bukas na t.v. na balita ang palabas pero wala na halos sounds.

“Y-yes ‘pa, si Mel po,” sagot naman ni Jojo. Hindi naman talaga niya gustong maging pulis. Pero gusto niyang maging proud sa kanya ang Papa niya kaya sinunod niya ang gusto nito.

“So, bakit hindi ninyo pa isarado ang kaso?” bakas ang kaseryosohan sa boses at mukha ni Mang Delfin na sa wakas ay tumingin na sa kausap.

“Pero ‘pa, hindi pa rin namin alam kung kanino galing ang drugs na ininom ni Mel. Ibang quality ng drugs iyon. Mataas!” sagot pa ni Jojo. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang isarado ang kaso dahil naniniwala naman talaga siya na hindi drug user si Mel.

Naging malapit din siya dito noon at alam niya na ang totoong gumagamit talaga ay ang daddy nito. Gusto niya rin na kahit paano ay malinis kahit man lang ang pangalan ni Mel na pinaniniwalaan niyang inosente.

“Para saan pa? Para makarating pa ito sa media at dayuhin nila ang Isla Azul? Para interview-hin nila ang mga tao doon tungkol sa drug addict mong kaibiga? Para pagkaghuluhan ang Isla Azul sa media? Para masira ang pangalan ng isla natin?!”

Tumiim ang bagang ni Jojo. Heto na naman sila. Kung sa pagiging pulis lang ay totoong hinahangaan niya ang papa niya. Pero hindi sapat ang pagiging matapang para matawag na totoong pulis ang isang tao. Dahil para sa kanya ay dapat na pinangalagaan din ng pulis ang kaligtasan ng mga tao. “Paano kung may mabiktima  pa ulit sa Isla Azul ang drugs na iyon? Paano kung nasa isla lang pala ang supplier nila? Paano kung may susunod pa na mamatay?”

“Pero wala pa naman ‘di ba? Wala pa ulit namamatay nang dahil sa drugs na iyon kaya bakit kailangan ninyo pang hanapin? Basta Jojo, sinasabi ko na sa iyo, makinig ka sa akin at isarado ninyo na ang kaso na ‘yan para hindi na umingay pa ang Isla Azul sa media at iba pang kapulisan!”

Saglit na natahimik si Jojo bago tumugon. “Sige po ‘pa. Isasarado na po namin ang kaso. Magpapahinga na rin po ako ‘pa,” aniya  bago naglakad patungo sa kwarto niya.

Ipininid niya na ang pinto at dumiretso sa may tokador na may malaking salamin. Tinitigan niya ang sarili. Graduate siya ng criminology, lisensyado, may baril at naka-uniporme.

Pero matatawag na ba niya talaga ang sarili niya na isang ganap na pulis?

Halik Ni Kamatayan (Completed)Where stories live. Discover now