Chapter LXXXVI

2K 146 25
                                    


"Ako ang mahal mo. Ako lang dapat. Ako... Ako... Ako..." paulit-ulit na usal ni Adolph habang pabalik-balik ng lakad sa harapan ni Rose na nakatali sa kinauupuan nito. "Ako si Adolph... Ako ang mahal ni Rose. Ako ang mahal ni Rose. Ako lang. Ako lang!"

Nangangatal ang mga labi ni Rose habang ang buong katawan naman niya ay nanginginig sa takot. Kitang-kita niya ang mapulang mga mata ni Adolph sa tuwing susulyap ito sa kanya. Matalim ang mga tingin. "Adolph, please... Pakawalan mo na ako dito..." iyak niya. Naghahalo na ang luha at sipon sa mukha niya.

Huminto si Adolph sa paglalakad. Muling sumulyap ang namumulang mga mata kay Cristy. Mariin siyang umiling habang mahigpit hawak sa balisong. Hawak na niya ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi na siya papayag na mawala pa ito sa kanya. "Hindi... Hindi kita papakawalan. Akin ka! Akin ka lang!"

"H-Hindi na ako makahinga dito sa pagkakatali mo sa akin. Please, alisin mo na 'to..." muling pakiusap ni Rose na nagbabakasakaling maaawa sa kanya ang binatang lulong na sa droga.

Napalunok ng laway si Adolph na naglakad ng ilang hakbang palapit kay Rose. Bakas sa namumulang balat ng magandang turista ang higpit ng pagkakatali niya dito. Napalunok siya ng akmang tatanggalin na iyo bago biglang huminto. Muli itong umiling. "Hindi! Hindi kita papakawalan d'yan!"

"Please naman, Adolph. Pwede naman tayong mag-usap nang hindi ako nakatali." Ramdam ni Rose ang pamamaga ng labi niya dahil sa malakas na pagkakasampal ni Adolph sa kanya kanina nang magtangka siyang tumakas, habang pilit siyang ipinapasok nito sa loob ng isang abandonadong bahay. Ang bahay kung saan naganap ang tinatawa na Bloody Night sa Isla Azul. Ang dati nilang bahay ng pamilya niya.

"Putang ina! Sabi nang hindi pwede!" Malakas na hinampas ni Adolph ang hawakan ng balisong sa sariling ulo. "Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede!" Tatlong ulit na malakas na hampas na gumawa ng sugat do'n.

"T-Tama na! Tama na, Adolph!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ni Rose nang makitang may dugong tumutulo mula sa ulo ng binata pababa sa may mukha nito. "H'wag mo nang saktan ang sarili mo! H-Hindi na... H-hindi na ako a-aalis. Tama na... Itigil mo na ang pananakit sa sarili mo." Iyak niya. Labis ang konsensyang nararamdaman niya. Hindi ito dapat nangyayari. Ayaw na niyang madamay. Wala naman talagang kasalanan si Adolph, kaya dapat hindi ito dapat mapahamak o madamay pa sa mga planong ginawa niya.

Huminto si Adolph at dahan-dahang lumingon kay Rose. "Bakit ba ang bait-bait mo, Rose?"

Walang maapuhap na salitang itutugon si Rose. Napalunok na lang siya ng laway. Nang pagbuksan niya ito ng pinto kanina ay halos umiiyak na itong nakikiusap na ayusin nila ang relasyon nilang dalawa. Pero nang sabihin niyang wala silang kahit na anong naging relasyon ay pilit na siyang kinakaladkad palabas upang isakay sa sasakyang nakaparada sa labas ng bahay. Ang sasakyan ni Jojo na nakahandusay sa labas ng bahay, duguan ang ulo at walng malay. Pinilit niyang kumawala pero masyadong malakas si Adolph. Sinikmuraan siya nito at nawalan siyan ng malay. Nagising na lamang sya na nakatali sa kinauupuan habang nasa loob ng isang magulo... Madumi... Mabahong lugar. Naiyak kaagad siya nang mapagtantong iyon ang dati nilang bahay.

Mas kalmado si Adolph kanina. Nakakausap niya ng maayos. Nakumbinse niya pa itong kalagan ang tali niya. Pero nang subukan niyang tumakas ay kaagad siya nitong kahablot sa buhok at malakas na sinampal.

Napapangiti na lumapit si Adolph kay Rose. Nanginginit ang kamay na humaplos sa pisngi nito. "Nag-aalala ka sa akin?"

Mas lamang ang awa sa nararamdaman ni Rose para kay Adolph kaysa pag-aalala pero hindi niya iyon magawang sabihin. Magulung-magulo ang makapal at kulot nitong na buhok. Tumatagaktak ang pawis sa mukha at leeg. Magkahalong amoy ng alak at sigarilyo ang umaalingasaw mula sa katawan nito. At ilang beses niya ring nakita ang pagsinghot nito ng druga na kinukuha mula sa bulsa.

Halik Ni Kamatayan (Completed)Where stories live. Discover now