Chapter LXXXVIII

2.2K 150 29
                                    


Handa na ba kayo para sa katapusan?

Ready your tissue Labs!

Sa buhay natin, may mga taong kailangan magpaalam kahit hindi pa tayo o sila handa....

Muli, maraming salamat sa pagsubaybay sa nobelang ito. :)

Enjoy. :)

*

*

*

*

*

"Adolph, tama na! Itigil mo na 'to!" pakiusap ni Jin. Mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay niya habang magkataliukuran sila ni Harris.

Ngumisi si Adolph at mariing umiling. Pinandilatan ng mga mata si Jin bago malakas na tumawa. "Gago ka ba?! Eto na si Cristy oh... Hawak ko na! Sa tingin mo ba... Papakawalan ko pa ang babaeng pinakamamahal ko?!"

"Ahhh!!!" napasigaw si Rose nang marahas siyang sabunutan ni Adolph at dilaan sa pisngi.

"Putang ina ka Adolph! Bitawan mo si Rose!" nanggigigil na sigaw ni Harris.

"Putang ina ka rin!" Binitawan ni Adolph si Rose. Tumayo siya at lumapit kay Harris bago ito binigyan ng tatlong malalakas na suntok. "Ikaw ang may dahilan kung bakit nasira ang buhay ko! Lahat na lang inagawa mo sa akin! Si Cirty! Si Rose! Ikaw na! Ikaw na lahat!"

"Tama na! Tama na Adolph!"

Nakangising saglit na lumingon si Adolph sa sumigaw na si Cristy bago muling pinagsusuntok sa mukha si Harris.

"Please Adolph! Tama na! Nakikiusap ako! Tumigil ka na! Ako naman ang kailangan mo 'di ba? Pakawalan mo na sila... Tama na." Malakas na iyak ni Rose. Kita niya ang pagdugo ng pumutok na labi ni Harris dahil sa malakas na suntok ni Adolph dito. Napasobra na nga siya sa mga ginawa niyang paghihiganti. Masyado nang maraming nadadamay. Masyado nang maraming nasasaktan. At kung siya lang talaga ang kailangan ni Adolph, willing siyang mamatay para lang matapos na ang lahat ng ito. "Ako na lang Adolph... Pakawalan mo na sila... Ako lang naman ang kailangan mo. Sasama na ako sa 'yo."

Huminto si Adolph sa pananakit kay Harris. Muli ay dahan-dahang lumingon kay Rose. Nanlalaki ang namumulang mga mata... Pawisan ang noo at leeg habang mahigpit pa rin ang hawak sa duguan ng kwelyo ng kababatang doktor. Saglit na nagtaging ang kanyang mga bagang bago binitawan si Harris. Naglakad siya palapit sa nakataling si Rose na nasa sahig. Lumuhod siya sa harapan ng dalaga. "Mamahalin mo na ba ako?"

Nangangatal ang mga labi ni Rose habang walang tigil ang paglandas ng luha sa magkabila niyang pisngi. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang pigil ang sarili na humagulhol. "O-Oo."

Si Adolph naman ang muling naluha. Nanginginig ang mga kamay na bumilanggo sa magkabilang pisngi ng kaharap na dalaga. Ang mga hinlalaki niya ay humahaplos sa nanlalagkit na pisngi ni Rose. Napakasarap sa pakiramdam na magagawa nang tugunan ng babaeng pinakamamahal niya ang nararamdaman niya. "Mahal na mahal kita, Cristy... Mula noon hanggang ngayon... Ikaw lang..." Suminghot-singhot pa siya bago muling nagsalita. "Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng totoo." Lalo siyang naiyak... Hindi niya dapat pinapahirapan ng ganito ang dalaga. Hindi niya ito dapat sinasaktan. Magagawa na siyang mahalin ni Rose. Magagawa na nitong ibalik ang pagtingin niya para dito. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya at akmang hahawakan na ang mahigpit na tali sa mga kamay ni Rose na nasa harapan nito nang biglang mapahinto.

"H-Hindi... H-Hindi a-ako m-magagawang mahalin ni Cristy," biglang nauutal na sabi ni Adolph. Naging malikot ang mga mata niya. Tumitingin sa magkabilang gilid. Umiikot nang paulit-ulit habang mariing umiiling. Hinampas niya ang sariling ulo upang matauhan. Nagsisinungaling si Rose. Oo! Alam niyang inuuto lang siya nito kagaya no'n. At hindi na siya magpapauto pa. Hindi na siya magpapadala sa pagpapanggap nito. Hindi na! Huminto siya sa pag-iling bago matalim na tumingin kay Rose at ngumisi. "Akala mo, mabibilog mo pa ang ulo ko!?"

Halik Ni Kamatayan (Completed)Where stories live. Discover now