Chapter 5

1.1K 29 0
                                    

Carmela woke up with a jolt. Naramdaman niya ang pamamasa ng mga mata. She is crying in her sleep. Bumabalik na naman sa panaginip niya ang nangyari six years ago. She dreamed of those memories for the past years. Mas matindi noong mga unang taon dahil sariwa pa sa kanya ang nangyari, ngunit nalampasan na niya iyon. She saw a psychologist at malaking tulung ito sa kanya. Hindi na niya napapanaginipan ang mga nangyari for almost a year now. Ngayon lang ulit bumalik. Maybe seeing Hunter in the cemetery triggered all the memories. Or did she really see him?

Hunter. Naalala niyang bigla ito. Huling naalala niya ay nasa sementeryo pa siya. Paano siyang nakauwi? Nilinga niya ang paligid. It's already dark. Baka past midnight na at na miss niya ang isang part-time job niya. Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan ang oras doon. 7:14PM. May oras pa siya upang humabol sa part time job niya. Ini-on niya ang bed side table lamp at ininspeksiyon muna ang sarili. She is still wearing the black dress she wore in the cemetery. Medyo sumasakit ang katawan niya, siguro dahil sa pakikipagbuno niya sa taong bigla na lang siyang hinawakan kanina. She sighed. Medyo sumasakit ang ulo niya. Wala siyang maalala kung paano siyang nakauwi. Tumayo na lang siya upang mag-ayos. Kailangan niyang magtrabaho para mabuhay ang sarili. Kung noon ang buhay prinsesa siya, ngayon ay kailangan na niyang pagtrabahuan ang lahat. Hindi siya nagrereklamo. She loves working. Nakakatulong ito upang madivert ang atensiyon niya. She has 2 part time jobs. A service crew at a very popular fast food restaurant. Bago pa lang ang naturang restaurant pero pumatok na ito agad sa masa. Bago lang din siyang nagtatrabaho doon. Humigit kumulang tatlong buwan.

She also works as a secretary. She hates that job pero iyon lang ang tanging access niya sa buhay ni Salvador Diaz. She would have to be near him para makahanap ng ebidensiya laban dito. She is Salvador's secretary at Ledesma & Co. Si Salvador na ngayon ang chairman ng kompanya at umaastang may-ari, pero kahit ano pa ang gawin niya ay hindi niya mapalit-palitan ang pangalan ng kompanya. Nakasaad ito sa kontratang ginawa ng papa niya at ni Mario. The board members also doesn't want to change the name. She is only too glad to see the dismay in Salvador's face every time na tinitingnan nito ang mga papeles at Ledesma & Co. pa rin ang nakalagay doon.

She sighed. Nakarating siya sa pinapasukang fast food restaurant on foot. Malapit lang naman iyon sa dorm niya. Isa pa, ayaw niyang sumakay ng tricycle kasi dagdag gastos pa iyon. Late siya ng 15 minutes, pero wala naman ang manager nila. Sabi ng mga katrabaho niya ay nasa opisina nito at ka meeting ang may-ari. First time na naparoon ang may-ari ng buong restaurant. Excited ang lahat ng mga kasamahan niya. Para sa kanya, walang nagbago. As long as may trabaho siya, okay na iyon. Hindi siya interisado sa ano pa mang bagay. Isa pang bagay na nabago ng mga pangyayari anim na taon na ang nakakaraan ay ang emosiyon niya. She's always at bay. Hindi madaling ma-excite, hindi nagagalit, hindi nadidismaya at hindi madaling pasayahin. She's as boring as the rock you kick on the road. Nagrereact lang siya kapag may humahawak sa kanya. Agad niyang binabawi ang kamay or umaatras kapag may humawak sa kanya. At kapag kagaya ng nangyari sa kanya sa sementeryo, na parang pinipilit siya, naghi-hysterical siya. Nawala ang lahat ng emosiyon sa kanya, maliban sa kaba at takot.

"Carmela..." Tawag sa kanya ng co-worker niya. 

Napukaw siya sa kanyang pag-iisip. Agad na hinarap niya ang customer na noon lang niya napansin.

"What can I get you?" Pormal na tanong niya.

She prepared the order monotonously. Once done, she prepared her well-practiced smile. She doesn't smile often, but her work requires her to be friendly to their customers. 

"Enjoy your meal." She sounds joyful saying it, however, deep inside she feels dull. She doesn't even look at her customers. She's not happy, not sad, not angry. Her emotions were just not there.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon