Chapter 6

1K 26 0
                                    

Hunter punched the wall behind him. Hindi niya maipaliwanang ang nararamdaman niya. He wanted to hurt her. Isa iyon sa rason kung bakit bumalik siya. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang balikan ang lugar na ito. He could just bury all the past behind him, pero sa nakaraang mga taon ay hindi mawaglit sa isipan niya si Carmela. At sa tuwing naiisip niya ito ay matinding galit at sakit ang lumulukob sa kanya. Inalagaan niya ang mga damdaming iyon sa nakalipas na panahon. Gusto niyang saktan si Carmela gaya ng ginawa nito sa kanya. Iyon ang pakay niya, ngunit bakit hindi siya masaya ngayon. Nakita niyang nasaktan si Carmela sa mga sinabi niya dito. He should be happy, but he is not.

 "Hindi pinatay ni papa si Tito Mario. That is a fact. Affair with Marco Ramirez? I am going to kill myself if you can prove that."

He huffs angrily. He hates her guts. Paanong nasasabi ni Carmela na hindi pinatay ng papa nito ang papa niya. He confessed to the crime. It is more than enough evidence. 

Ang tunog ng mobile phone niya ang nakapagpatigil sa pag-iisip niya. Andrew Torres. One of his best agents.

"Andrew." He sighed heavily as he tossed his soaked clothes to the side. Mabuti na lang at may dala siyang damit at pantalon. 

"I am tailing Carmela right now. You should check the email that I sent you." Andrew sounds urgent.

Binuhay niya ang laptop sa executive table. Agad naman niyang nahanap ang email mula dito. They were a series of photographs. Mga litrato ni Carmela ng gabing iyon. His heart clenched at the first image. Kuha iyon ni Carmela sa labas ng fast food. Her face looked solemnly calm, but a wet streak from her eyes down her cheek gave away her true feelings. He has hurt her. He clicked on the next photo. He took a deep breath and closed his eyes. 

"Who's this guy?" Tanong niya kay Andrew habang tinititigan ang litrato ni Carmela na yakap-yakap ang isang lalaki sa gilid ng kalsada. She looked genuinely happy in the photo.

"No idea. When you click on the next photo, you will see his face. Maybe you can recognize him." Andrew said.

Pagkatapos makilala ang lalaking kayakap ni Carmela sa naunang larawan, napasandal si Hunter sa swivel chair. Luis Henry Diaz is Salvador's bastard. They were friends. Kahit na bastardo ay lumaki si Henry sa piling ng ama at stepmother. Mahal ito ng stepmother at itinuring na sariling anak. Henry would've been a good catch, kung hindi lang ito pamilyadong tao.

"Fuck." He cursed and slammed his laptop closed. Ano at nagyayakapan si Carmela at Henry?

"Yeah?" He heard the amusement in Andrew's voice. "Marami pa iyong litrato pero I doubt kung natapos mong tingnan lahat." Andrew laughed. "Mas lalong iinit ang ulo mo kapag nalaman mong nasa bahay sila ni Carmela."

"Bahay?" Ulit ni Hunter. Sa pagkakaalam niya ay miminsan na lang umuuwi si Carmela sa bahay nito. Mas naglalagi ito sa dormitory. "The old Aragon mansion?"

"Yes. And by looks of it, silang dalawa lang sa bahay. Ang matandang katiwala ay umuwi na bandang alas singko ng hapon." Si Yaya Anna ang tinutukoy ni Andrew na katiwala.

Bago pa man may maidagdag si Andrew na impormasiyon ay pinutol na ni Hunter ang tawag. He paced in the manager's office. He sighed heavily once in a while and combed his fingers through his hair.

"You are going to regret what you are about to do, Hunter." Kausap niya sa sarili. Umaasam siya na magbago pa ang isip niya, ngunit bigo siya. "Shit. Fuck." Malulutong na mura ang kumawala sa mga labi niya habang naglalakad siya palabas ng opisina.

Carmela

"We're here." Inihinto ni Henry ang sasakyan sa tapat ng isang building. It's a one-story building with a floor-to-ceiling glass panel.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon