Chapter 19

812 23 18
                                    

Sa araw na itinakda ni Marco ay alas otso y media na nagising si Carmela. Masama ang kanyang pakiramdam at mabigat ang katawan niya. Ganoon yata talaga ang nararamdaman kapag alam ng isang tao na walang kasiguraduhan ang bukas na darating. Iniikot niya ang tingin sa silid niya. Iyon na ang huling pagkakataon na makikita niya ang silid na iyon. Mabigat ang kanyang pakiramdam ng bumangon siya. Mabagal ang mga kilos niya kahit na sobrang late na niya sa trabaho. Binibigyang pansin niya ang lahat ng bagay na makita niya. Isang oras ang lumipas bago siya lumabas ng kwarto. Tinanggap niya ng nakaraang gabi ang mensahe ni Marco kung saan sila magkikita.

Muli niyang iniikot ang buong paningin sa kanyang kwarto saka siya bumangon at naligo. Hindi na rin siya nag-abalang kumain dahil late na siya sa opisina. Napagpasyahan na lang nila ni Andrew na dumaan sa isang drive thru para sa kanilang almusal. Makalipas ang tatlumpong minuto ay nasa Ledesma building na sila. Nag elevator sila. Tatlo lang naman ang tao kaya okay lang sa kanya. At kahit na hindi siya komportable kung hahawakan siya ni Andrew, at least alam niya na hindi din naman siya sasaktan nito. Pagkahatid ni Andrew sa kanya sa opisina ay bumalik ito sa first floor. Sa security office na siya hihintayin nito. 

Pagbukas niya ng kanyang opisina ay bumungad sa kanya ang nakakabinging katahimikan. Maliwanang sa loob dahil pumapasok ang sikat ng pang-umagang araw. Kadalasan na ay isinasara niya ang venetian blinds dahil masakit na sa mata kapag ganoong oras. Tinungo niya ang bintana at isinara nga ang blinds. Nang masiyahan ay inilagay niya sa lamesa ang bag at saka kumatok sa opisina ni Hunter. Ipapaalam lang niya na present na siya at pwedeng magtrabaho ng ilang oras, bago siya umalis.

Napasinghap si Carmela at napako sa kinatatayuan. Nanlaki ang mata niya nang magtama ang paningin nila ni Hunter. Agad na isinara niya ang pintuan. A full five seconds passed before she managed to walk to her desk. Tumatahip ang dibdib niya ngunit tila may daan-daang karayom ang tumutusok niyon. Nangilid ang kanyang mga luha ngunit agad niya iyong pinahid. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang emosyon. Hunter was kissing Vera. Tila isang biro na paulit-ulit sa isip niya ang eksenang ilang segundo lang naman niyang nasaksihan. Kagyat na nawala ang pangamba niya kay Marco at nahalinhan iyon ng matinding sakit at panibugho. Yes, she wanted this to happen, pero masakit pa rin pala kapag nakita mo na mismo na may ibang babae na ang lalaking mahal na mahal mo. She bit her lower lip harder. Her emotion is winning her over.

"Hi Carmela." Si Vera iyon. Nasa likod at nakahawak sa balikat niya.

Agad na tumayo siya upang matanggal ang kamay nito sa likod niya. Nakisama naman ang mata niya at umurong ang mga luha. "M-miss Vera. Ginulat mo ako." Nagpapaumanhin itong ngumiti. Napansin niya si Hunter sa likod nito. Nasa bulsa nito ang isang kamay. "Good morning, sir."

"Kumusta ka na?" Si Hunter. In-extend nito ang isang kamay ang hinawakan ang leeg niya. Napaigtad siya at agad ang pag-iigting ng mga bagang nito.

Umatras siya upang bitiwan nito ang leeg niya. "Okay lang ako. Gumagaling na din naman ito." 

Mataman siyang tinitigan nito. Nagyuko siya ng ulo. Sigurado siya, makikita nito ang mga itinatago niyang emosiyon. Tumalikod siya at tinungo ang cupboard.

"Gusto niyo ba ng kape?" Nanginginig ang mga kamay niya habang kinukuha ang mga tasa.

"Don't bother, Carmela. Aalis na din ako." Si Vera. Ngumiti ito sa kanya at humalik sa pisngi ni Hunter bago umalis. 

Agad naman siyang tumalikod. "Kayo, sir. Kape?"

Matagal bago ito sumagot. Nararamdaman niya ang mga titig nito sa likod niya. "Sige. Pakipasok sa opisina." Iyon lang at iniwan na siya nito.

Pagkahatid ng kape ay agad naman lumabas si Carmela. Ni hindi siya tiningala ni Hunter pagpasok niya. Tuloy ito sa ginagawang trabaho. Ipinagpapasalamat niya iyon dahil hindi nito napansin ang panginginig niya. Naghalo-halo na ang mga emosiyon niya at nahihirapan siyang pigilan ang sarili. Pakiramdam niya ay huling araw na niya sa mundo and it bothered her so much. Sino ba naman ang taong gugustuhing mamatay. Pero kailangan niya iyong gawin para matahimik na ang lahat. She might not die, pero nasisigurado niya na magkakapinsala siya. On the other hand, her jealousy is killing her. Thankfully, hindi na lumabas si Hunter sa opisina nito and she's left with her emotions. Alas onse nang kumatok siya sa opisina nito. It's time for her to go.

Marred (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon