ilang awit na ba ang inalay sa'yo?
ilang tula na ba ang naisulat para sa'yo?
ilang luha pa ba ang papatak para sa'yo?
ilang tanong ko pa ba ang hindi mo masasagot?hanggang kailan ba magtatanong ang puso,
hanggang saan ba ipaglalaban ang pag-ibig sa'yo
hanggang dulo ba ang sakit na nararamdaman
hanggang dito na lang ba ang tayo?sinuway ang lahat
hinarap ang pagsubok
sinugod ang kaba
pinaglaban kitasabay tayong tumalon sa dagat
sabay tayong nangarap
ngunit magisa akong nalunod
at tinangay ka naman ng alapaaplagi na lang bang malulungkot na awitin ang iaalay ko ?
lagi na lang bang ako ang malulunod sa dulo ?
lagi na lang bang ako ang maiiwan dito ?
lagi na lang bang para sa iba ang mamahalin ko ?ngunit sa lahat ng minahal ko,
sa lahat ng dumaan sa buhay ko,
sa lahat ng lumisan din pagkatapos,
ikaw lang ang inalayaan ko ng awitin
sabay ng pagkalat mo sa hanginmadaya si tadhana
nang nahanap ko na
ang kasabay kong kakanta
tsaka ka naman niya kinuha._ _
Madame Thoughts
![](https://img.wattpad.com/cover/150398312-288-k977384.jpg)
YOU ARE READING
Of Dreams And Madness
PoetryList of poems which are figments of my dreams and madness. Some are in english and filipino. Happy Reading! -madame soliman