CHAPTER 1

3K 86 11
                                    

#IHaveALover

CHAPTER 1

Napatigil sa pagpupunas ng lamesa si Theo Endrinal, 27 anyos nang makarinig ng mga yabag pababa ng hagdan. Kaagad siyang pumunta sa dulo ng hagdanan para salubungin ang asawang si Sofia, 25 anyos. Nakasuot na ng unipormeng pamasok dahil pumapasok ito sa opisina.

Tinaasan ng kanang kilay ni Sofia ang asawa nang makita niya itong nasa dulo ng hagdanan.

"O... Anong kailangan mo?" mataray na tanong nito.

Tipid na napangiti si Theo. Hindi pinansin ang pagtataray ng asawa.

"6th wedding anniversary natin ngayong araw." Sabi ni Theo. Napatingin siya sa kamay ni Sofia, hinanap ang wedding ring nila kung suot nito pero bigo siyang makita iyon na suot ng asawa. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"E ano naman ngayon?" mataray na tanong ni Sofia. Wala naman kasi siyang pakiealam. Hindi nga niya iyon naalala at sayang lang sa oras para alalahanin pa.

"Anong oras ka uuwi mamaya? Maghahanda kasi ako para sa selebrasyon nating dalawa..."

"Hindi ako uuwi mamaya." Sabi kaagad ni Sofia na ikinahinto ni Theo sa pagsasalita. "After work, may date ako kaya huwag mo na rin akong hintayin pa... and pwede ba... wala naman akong pakiealam sa wedding anniversary ek ek natin na 'yan kaya huwag mo ng ipilit pa sa akin na makicelebrate sayo." Sabi pa nito saka muling naglakad pababa ng hagdan. Nilagpasan si Theo na napahinga ng malalim.

Nung una lang sila nagcelebrate ng wedding anniversary nila, ang araw na iyon ang pinakamasaya para kay Theo dahil punong-puno ng pagmamahal pero ilang araw pa lamang ang lumilipas sa ikalawang taon nila, nagbago na ang lahat. 'Yun ang una at huli na nagcelebrate sila ng wedding anniversary.

"Siya na naman ba ang kasama mo mamayang gabi?" tanong ni Theo. Seryoso.

Napahinto sa paglalakad si Sofia, nilingon ang asawa at napangiti ng matamis.

"Oo." Sabi nito na tila nagmamalaki pa.

"Hanggang kailan mo ba siya gagawing kabit mo?..."

"Correction, he's my boyfriend at hindi ko siya kabit..."

"At ako ang asawa mo." Sabi kaagad ni Theo na hinarap na ang asawa na si Sofia. "Asawa mo pa rin ako, damdamin mo lang ang nagbago." Sabi pa nito. "Please naman... kahit bilang asawa mo lang, respetuhin mo naman ako..."

"Kung gusto mo ng respeto... Hiwalayan mo na kasi ako." Sabi kaagad ni Sofia na ikinahinto ni Theo sa pagsasalita. "Alam mo naman na simula pa noon, sa papel na lang tayo mag-asawa... Nakikipaghiwalay na ako sayo pero lagi mo sa aking pinipilit na ayaw mo... na lagi kang nagmamakaawa para huwag ka lang iwan tapos ngayon kung umasta ka, aping-api ka." Mataray na sabi pa ni Sofia.

"Mahal na mahal kita Sofia..."

"At hindi na kita mahal." Sabi kaagad ni Sofia na dumagdag sa sakit na nararamdaman ni Theo.

"Mahal mo ako... alam ko mahal mo ako..."

"Hindi na nga kita mahal." Sabi pa kaagad ni Sofia. Napapairap. "Sige aaminin ko, nung una mahal nga kita... kasi na-excite ako sayo, inisip ko kung ano nga ba ang feeling na may matalinong boyfriend at asawa... nung una masaya pero habang tumatagal... nagsisi ako na pinakasalan kita kasi ang boring mo pala... sobrang boring... kaya 'yung pagmamahal ko, naging sawa na. Nagsawa na ako sayo." Mataray na sabi pa nito habang titig na titig pa sa mukha ng asawa na kita niyang nasasaktan sa mga pinagsasabi niya. Napangisi pa ito dahil may idadagdag pang sasabihin. "Nagtataka nga ako e, naturingang may pinag-aralan ka... matalino ka pero ang tanga-tanga mo dahil imbes na iwan mo na ako dahil puro pasakit lang naman ang dala ko sayo, ito ka at nananatili ka pa rin sa tabi ko."

I HAVE A LOVER  - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPWhere stories live. Discover now