CHAPTER 2

2.1K 88 8
                                    

#IHaveALover

CHAPTER 2

Maaliwalas ang panahon ngunit hindi ganun ang nararamdaman ni Theo.

Nakatingin ang kanyang mga mata sa dalawang lapida na nakadikit sa pinaglilibingan ng kanyang mga namayapang magulang kung saan nasa tapat siya nito ngayon. Mababanaag ang kalungkutan.

Napabuntong-hininga si Theo.

"I'm sorry Ma... Pa... Napako ang pangako ko sa inyo." Sabi nito. Nangako kasi siya noon na kapag ikinasal siya, habambuhay na magiging masaya ang pagsasama nila ng taong mahal at pinakasalan. Iingatan ang relasyon at gagawin ang lahat para ang sinumpaan sa harapan ng altar ay matutupad.

Alam niya na nakikita ng mga magulang ang mga nangyayari, katulad niya, sa tingin niya ay nalulungkot rin ang mga ito pero anong magagawa niya? Ginagawa naman niya ang lahat para maisalba ang relasyon nila ni Sofia, nagtitiis siya sa lahat sa sakit at paghihirap pero wala pa ring nangyayari.

Nais niyang ipaglaban si Sofia... pero kung gagawin niya iyon, tiyak na hihiwalayan siya nito at ayaw niyang mangyari iyon. Siguro nga ay malaking duwag siya pero handa siyang alisin ang tapang niya huwag lamang siyang maiwan. Masakit sa kanya ang biglaang pagkawala ng magulang nung siya ay 17 years old pa lamang, matinding hirap din ang dinanas niya bago narating ang kung anong meron siya ngayon pero higit sa trauma na naranasan niya ay ang takot na maiwanan. Ayaw na niyang maiwan, ayaw niyang mag-isa kaya handa siyang magtiis.

Napabuntong-hininga si Theo. Tipid na napangiti sa magulang.

"Huwag kayong mag-alala sa akin Ma... Pa... Kaya ko pa naman... Gabayan niyo ako a, huwag niyo pa rin akong pababayaan." Sabi nito.

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Kakatapos lamang magluto ni Theo ng kakainin nila ni Sofia ngayong hapunan. Saktong paglabas niya ng dining area dahil inihanda na niya ang mesa para sa pagkain ng bumukas naman ang pintuan ng bahay, napangiti siya dahil nakita niya ang asawa pero kaagad ding nawala dahil kasunod nito ang lalaking hindi man kita sa kanya ngayon pero kinasusuklaman niya. Halatang galing sa opisina ang mga ito dahil naka-uniporme pa si Sofia habang ang lalaki nito ay naka business attire pa.

Napangiti si Sofia kay Theo.

"Dito kami kakain ni Hon... handa na ba ang hapunan?" tanong nito.

Napatango lamang si Theo. Lihim siyang napatingin sa lalaki ni Sofia. Nakangising habang nakatingin sa kanya. Ang yabang.

"Hon... Handa na ang hapunan... Tara at kumain na muna tayo." Sabi ni Sofia na tiningnan ang lalaki niya. Muli rin niyang ibinalik ang tingin sa akin. "Ewan ko ba kay Hon... marami namang resto diyan sa labas pero gustong-gusto niya na dito kumakain sa bahay." Sabi pa nito.

"Masarap kasi ang asawa mo... este ang lutong bahay na niluto ng asawa mo." Sabi niya. Mas lalong naiinis si Theo kapag naririnig nito ang boses ng lalaki.

Natawa na lamang si Sofia, mukhang hindi napapansin ang ibang sinasabi ng kabit niya.

"Pare... Sabayan mo na kaming kumain." Sabi nito saka nilapitan pa at inakbayan.

Kaagad namang napapiksi si Theo at lumayo. Natawa lang ito sa kanya.

"Mauna na kayo... Busog pa ako." Sabi ni Theo saka nilayuan ng tuluyan ang lalaki at nagpunta sa sala para manuod ng tv.

Naririnig ni Theo na nagtatawanan ang dalawa mula sa dining. Hindi tuloy siya makapokus sa pinapanood kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya pokus doon. Napabuntong-hininga na lamang siya.

I HAVE A LOVER  - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPOù les histoires vivent. Découvrez maintenant