CHAPTER 3

2.1K 83 4
                                    

#IHaveALover

CHAPTER 3

Nakaupo sa ibabaw ng kama si Theo, nakasandal ang likod sa headboard habang nakatingin sa asawa na si Sofia na nakatalikod ng higa mula sa kanya at mahimbing ng natutulog. Napabuntong-hininga siya. Mabuti na lamang at hindi nito kasama ngayon si Ronnie kaya nagkatabi sila sa kama dahil madalas, sa kabilang kwarto siya natutulog kapag nandito ang lalaking iyon.

Speaking of him, hanggang ngayon ay napapaisip si Theo sa mga naging kilos ni Ronnie nung huli silang mag-usap. Nakakapagtaka at sa totoo lang, hindi rin niya maiwasang maghinala.

Napabuntong-hininga siyang muli.

"Sino ka ba talaga Ronnie? Niloloko mo ba ang asawa ko?" tanong niya sa kanyang sarili.

Nakakatawa lamang isipin na siya nga niloloko pero nag-aalala pa siya na naloloko ang asawa niya ng ibang lalaki. Mas nag-aalala pa siya sa mararamdaman ng asawa kaysa sa nararamdaman niya.

Ganun nga siguro talaga kapag mahal ang isang tao, kahit ang sariling damdamin, nagiging balewala basta lang hindi masira ang damdamin ng minamahal.

First love ni Theo si Sofia. Nagkakilala sila thru online, isa ito sa mga estudyanteng pilipino na tinuruan niya ng basic english. Bukod kasi sa mga chinese, nagtuturo rin siya sa mga kapwa pilipino pero siyempre, may bayad dahil iyon ang trabaho niya.

Sa unang kita pa lamang niya kay Sofia ay nabighani na siya. Napakaganda nito sa kanyang paningin kahit sa screen lang pero mas lalong gumanda nung personal na niyang nakita. Akala nga niya ay hanggang sa online na lang ang ugnayan nila pero siyempre, pursigido siyang makuha si Sofia kaya naman inaya niya rin ito na mag-date sila hanggang sa naging magkasintahan at ngayon nga ay mag-asawa na. Naging mabilis lang ang lahat kaya naman naiisip niya ngayon, dapat pala nagdahan-dahan lang siya kasi kung anong bilis na makuha niya ito, ang bilis rin na mawala ang nararamdaman nito para sa kanya.

Pero ganun pa man, hindi niya hahayaang mawala ito ng tuluyan sa kanya. Hinding-hindi niya ito hihiwalayan kahit ano pang mangyari.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nasa loob ng kanyang opisina si Theo. Isa sa mga kwarto dito sa bahay na ginagamit niya sa trabaho. Naginat-inat siya para ma-flex ang muscles niya dahil sa ilang oras din niyang pag-upo sa swivel chair at pagharap sa mga estudyanteng chinese sa computer. Kakatapos lamang ng klase niya.

Inalis ni Theo ang suot na salamin sa mata at pinatong sa mesa na nasa gilid lamang. Tumayo mula sa inuupuan saka lumabas ng kwartong iyon.

Saktong paglabas niya ay tumunog ang doorbell. Nagtaka siya. Alam niyang wala si Sofia dahil pumasok ito pero kung umuwi man ito ngayon, hindi na iyon magdo-doorbell pa kasi may sarili naman iyong susi at makakapasok ito kaagad.

Napabuntong-hininga na lamang si Theo saka bumaba. Titingnan kung sino ang nasa labas na patuloy lamang na nagpapatunog sa doorbell.

Pagkabukas ng pinto, kumunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Theo dahil ang nakita lang naman niya sa labas ay si Ronnie. Hindi ito naka-business attire dahil naka-polo shirt na kulay navy blue na hapit sa katawan nitong hubog ngayon at black jeans at sneakers... ibig sabihin... wala itong pasok dahil hindi naman ito mukhang galing sa opisina, e bakit pumasok si Sofia? Sa pagkakaalam niya, sabay lagi ang day-off ng dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Theo.

Napangisi si Ronnie habang nakatingin kay Theo.

"Si Sofia?" tanong nito.

"Pumasok." Sabi ni Theo.

Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Ronnie.

I HAVE A LOVER  - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon