CHAPTER 5

2.4K 96 16
                                    

#IHaveALover

CHAPTER 5

Sumapit na ang gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik si Sofia sa bahay kaya naman si Ronnie ay nandito pa rin at kasama ni Theo.

Abala si Theo sa pagluluto ng makakain sa hapunan. Kasalukuyang niluluto niya ang ginataang tilapia habang pinapanuod naman siya ni Ronnie na nakasandal ang pwetan sa lababo at nakahalukipkip ang magkabilang braso. Hindi naman niya ito masabihan na maghintay na lamang sa sala dahil siguradong tatanggi na naman ito sa gusto niya.

"Kalalaki mong tao pero ang galing mong magluto." Sabi ni Ronnie.

Sandali namang napatingin si Theo kay Ronnie, muli ring ibinalik nito ang tingin sa niluluto.

"Nagmana ako sa Mama ko... Magaling din kasi 'yung magluto saka batang kusina din ako noon, laginng nanunuod kung paano magluto si Mama." Sabi ni Theo.

Napatango-tango si Ronnie.

"Ikaw? Hindi ka ba marunong magluto?" tanong pa ni Theo. Ewan ba niya, imbes na hindi niya kausapin ay ito siya, nakikipag-usap sa kabit ng asawa niya.

"Hindi... may sarili naman akong chef na ipagluluto ako." Sabi nito.

Napatango na lamang si Theo.

"Ang tagal dumating ng asawa mo... Saan kaya nagpunta 'yun?" tanong ni Ronnie.

"Umuwi ka na kasi." Sabi ni Theo.

"Ayoko ko nga... Kakain pa ako ng niluluto mo." Sabi ni Ronnie.

Napailing-iling si Theo. Ang kapal ng mukha ni Ronnie.

Tiningnan ni Theo ang sinaing na kanin, pinatay niya ang kalan ng makitang luto na ito at ipinagpatuloy ang pagluluto sa ulam.

"Oo nga pala... May extrang damit ka ba na mapapahiram sa akin?" tanong ni Ronnie.

Muling tumingin si Theo kay Ronnie. Kunot ang noo at salubong ang magkabilang kilay.

"Bakit?" pagtatakang tanong nito.

Napangisi si Ronnie, inamoy-amoy ang sarili.

"Pakiramdam ko kasi amoy pawis na ako... Gusto kong maligo para mamayang pagdating ni Sofia, handa na ako sa bakbakan." Sabi nito. "Wala kasing aircon itong bahay niyo kaya ang init-init." Sabi pa nito.

Napaiwas nang tingin si Theo. Napailing-iling na lamang sa inis na nararamdaman.

"Umuwi ka na lang sa inyo at doon maligo." Sabi ni Theo ng hindi tumitingin kay Ronnie.

Napangisi naman si Ronnie.

"Gusto mong isumbong kita kay Sofia? Pinapaalis mo ako." Sabi nito.

Masamang tiningnan ni Theo si Ronnie.

"Pwede ka naman kasing umuwi at maligo muna sa inyo at bumalik na lang..."

"E ayoko nga munang umuwi... Gusto ko na dito maligo." Sabi kaagad ni Ronnie.

Umiwas nang tingin si Theo. Napabuntong-hininga at kinalma ang sarili.

"Pumunta ka sa kwarto... kumuha ka ng twalya at damit ko sa cabinet." Sabi ni Theo. "Alam mo naman iyon dahil lagi kang nasa kwarto naming dalawa." Sabi pa nito.

Napangisi si Ronnie.

"Ok." Sabi nito saka iniwan si Theo para pumunta sa kwarto.

Muli na lamang napabuntong-hininga si Theo. Bakit ba ganito siya? Walang magawa sa lahat ng mga maling nangyayari?

I HAVE A LOVER  - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon