Chapter 1

46 21 9
                                    

Rejane

"Let us all give a warm round of applause for our new representative, Rejane Jandog!"

Hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ni Rejane ng oras na iyon. Nasa harap niya ang mga sumuporta sa kanya sa election na naganap. Ayaw man niya itong nangyari, Gusto man niyang tumangi ay hindi niya magawa. She can't just fail the trust her classmates and schoolmates gave to her. Kaya kahit ayaw niya ay gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng mga ito.

Napatawa siya sa itinatakbo ng isip. Ano yan? Tatakbo bilang mayor? Sa isip niya. She felt like she just won as the president.

Kasalukuyang nasa stage siya ng auditorium kasama ang mga year level coordinator. Kakatapos lang ng flag ceremony at inaannounce ang per year representative, at siya ang pang huli dahil nga senior high siya. Lahat ng estudyante ay pinapalakpakan siya.

Month of July na ng magbotohan sila para sa bagong year level representative. And she was voted for her good performance and nice grades. Ibinoto siya ng mga kapwa niya senior high students- specially grade 12 students. They've put her trust into her. Kahit isang buwan pa lang ang nakakalipas noong mag umpisa ang pasukan.

"Woohoo! Besshy ko iyan!"

Napailing na lang siya ng magtinginan ang mga estudyante sa pinaka dulong parte ng auditorium, kung saan sumigaw si Chelsea. Napapailing rin ang iba at ang iba ay natawa na lang rito. Kung hindi lang niya kilala ito ay hindi niya iisipin na isa itong anak ng mayamang businessman kundi anak ng squatter. Asal batang kalye kasi ito kung minsan.

Wait. Hindi pala kung minsan, parati pala.

Agad na bumaba siya ng matapos iannounce lahat ng nanalo. Agad naman siyang binati ng mga nakakakilala sa kanya.

"Bakery naman dyan"

"Congratulations! Baka may balak ka maglibre."

"Umaasa kami sayo, ser!"

Natatawa na lang siya sa mga sinasabi ng mga ito. Halos karamihan kasi ay ang mga isip bata niyang kaklase. Akala mo naman ay nanalo talaga siya sa pagtakbo sa presidente.

"Ako ang nanalo. Kayo dapat ang maglibre sa akin. Aba, kaklase niyo kaya ang nanalo" pagkasabi niya iyon ay agad nag iba ang timpla ng mga ito. Nagsialisan naman ang iba.

"Ay, ubos na laman ng wallet ko, eh"

"Ah, eh.... Pinambili ko ng ballpen"

"Bakit, toh? May laman itong bente kanina ah? Ibibigay ko sana kay rep., kaso nawawala. Hoy! Kinuha mo siguro, ano?"

"Upakan kaya kita? Anong ako? Bente lang yan ser!"

Natawa siya sa reaction ng huli. Si Charles yung nagsabi na nawawala ang pera niya at ang huli ay si Juspin.

Kanya kanya ng palusot ang mga ito. Natawa na naman siya. May naka vivo, huawei, samsung, at iphone pero pambili ng ballpen ang ipinapalusot? At bente, seriously? A kid will not be fooled by her classmates' antics.

"Guys, ililibre ko kayo....." agad nagsigawan ang mga ito. "Ng tig isang candy" agad namang nalukot ang mga mukha nila.

"Isa lang? Gawin mo ng lima!"

"Hindi yan sapat kay Juliemar! Matakaw iyan-Aray! Bakit ka bigla biglang nanunusok ng ballpen? "

"Dinamay mo na naman yung pagkaganda ganda kong pangalan"
Sabi nito at tiningnan si Charles ng pagka diri diring tingin. She smiled at the scene. How she love her classmates. Hinding hindi siya magsasawang pagmasdan ang mga ito.

"Tara na nga. Kung saan saan na naman pupunta yang mga pinagsasabi niyo, mga ser. Mga matinong kaklase ko diyan, tara na sa canteen" sigaw niya. Agad naman silang nagtakbuhan sa canteen. Karamihan ay kalalakihan. Tinabihan lang siya ng mga babae.

Way to her heartWhere stories live. Discover now