Chapter 10

15 15 0
                                    

Michael

Napapangiti na lang si Michael ng makita ang namumulang mukha ni Rejane. He really liked it when she saw her in that state, cheeks redenning. Napaka ganda nito.

And he was thankful he met her.

"Matutunaw na ako niyan"

Nawala siya sa iniisip ng marinig ang sinabi nito. Nakita niya itong nakataas ang kilay sa kanya. He chuckled.

"What's funny?"

"Sigurado ka bang may nanligaw na sa iyo? Feeling ko dahil sa taray ng kilay mo, wala eh" natatawang saad niya. Nakita niya ang pagsalubong ng kilay nito, which made her more gorgeous in his eyes.

"Well, feeling mo lang iyon. For your information, marami na ang nanligaw sa akin" nagmamalaking saad nito. Muli siyang napatawa, pero mas malakas na ito.

Which attracted most of the students attention.

"Pero wala kang sinagot?"

"M-meron"

"Ah.... Kaya pala ang bio mo ay 'NBSB', ah" sarkastikong sabi niya.

Nakita niya ang pag-iwas nito ng tingin. Tila sinusuway nito ang sarili dahil sa inilagay sa bio. "H-hindi ako ang naglagay nun. Atsaka, Bakit mo alam? Stalker ka ba?"

Siya naman ang namula sa sinabi nito. Actually, sigurado siyang namula iyong nga tainga niya.

Napalatak ang babae. "I knew it!"

Napangiti siya ng makita ang tuwang tuwa na mukha nito.

He silently wished that they would stay forever like that.

.....................

Rejane

"Hoy, nakalimutan mo na ata kami"

Agad na napalingon si Rejane sa likod niya. Katatapos lang ng walang hangganang bolahan na lunch niya kanina. She rejected his offer to walk her to her classroom. Malapit lang naman kasi ang classroom niya sa canteen.

"Ay? Hindi mo sasagutin?"

"Nag-enjoy siguro, kaya nakalimutan agad tayo"

Sinalubong niya lang ang nagtatampong tingin ni Sandy. Binigyan niya ito ng tinging paumanhin ngunit inirapan lang siya nito. Napaawang ang bibig niya ng makita rin ang reaksiyon ng mga kasama nito.

"Hay nako, rep. Baka naman balak mong mag kuwento sa pinag-usapan niyo?" nagba-baka-sakaling tanong ni Clarice sa kanya.

She had this teasing smile on her face, and she already knew what's going on inside Clarice's mind.

"Wala akong ikukuwento. Boring niya kausap" Atsaka, walang sense ang sinasabi niya.

Talaga, Rejane? Kaya pala kinikilig ka noong binobola ka niya.

Naiinis na sinuway niya ang sarili. Bakit ba lagi siyang nawawala sa mga naiisip. Feeling niya tuloy may iba pang gumagamit sa isip niya.

"Kaya pala ang saya niyo kanina, representative" sarkastikong banat nito. Humarap siya rito at pabirong inirapan ito.

Hindi kasi siya makahanap ng ibabalik na salita dito. She was left speechless.

Meron pala ang mga ito kanina.

Meron sila kanina, hindi mo lang napansin kasi masaya ka noong kasama siya.

"Hindi!"

Napatakip siya ng bibig ng halos lahat ng kaklase niya ay napatingin sa kanya. Hindi pa niya namalayan na nakarating na sila sa classroom nila.

Way to her heartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang