Chapter 4

26 16 4
                                    

Rejane

Present day..

Tahimik ang naging biyahe. Si Rejane ay nanatiling nakatingin sa daan at hindi binibigyang pansin ang makasalanang lalaki na nagmamaneho patungo sa bahay niya. Ilang beses na nitong inaya siya pero tumatanggi siya. Ngayon lang niya ito pinayagan na ihatid siya. He seems persistent.

Flashback....
After the first meeting...

"Oh my! Tingnan niyo si Michael! Handsome as ever!"

"Wag kang tumili! Magpapakasal na kami sa susunod na buwan"

"Anong ikaw? Kakakasal lang namin kahapon"

Napailing na lang si Rejane. Lunes na lunes kinababaliwan na ng mga babae ang lalaking iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad at napansin niya ang pagtigil ng sigawan sa paligid. Napangiti na lang siya ngunit agad na nabawi ng mapansing ang mga nalalakaran niya ay nakasunod sa kanya ng tingin.

Ng tumingin siya sa likuran ay tila tumigik ang mundo niya. Michael.... Michael is following her! Napansin niya ang pagngiti nito ng tingnan niya ito.

"Hello! Loves!"

Nakarinig siya ng singhapan sa paligid. Bulong-bulungan. Pero hindi niya inintindi ang mga iyon dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Parang lalabas na sa dibdib niya dahil sa lakas at bilis nitong tumibok.

Pinakalma niya muna ang nagwawalang puso." A-anong pinagsasasabi mo?" sabi niya rito. Umarte naman ito na parang nasaktan at hinawakan ang dibdib. "Aray, loves ha. Kakasagot mo lang sa akin kahapon eh. Tapos..." Malungkot na saad kuno nito. He pouted.

She wanted to pinch his cheeks. Pero pinigilan niya ang sarili.

"Ang cute niya! Miss.... Wag mo naman iganyan si Michael"

"Oo nga. Maawa ka sa kanya."

Kung ano ano pang bulungan ang naririnig niya pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip, hinila niya ang kamay nito papunta sa garden ng paaralang iyon. Sa likod ng library iyon, kaya wala masyadong tao.

"Wait! Masyado pa akong bata. Hindi pa ako ready. Tsaka, kasal muna tayo bago tayo-"

"Ano bang problema mo?" pagpuputol niya sa sinasabi nito. Hinarap niya ito at parang may sumagi sa puso niya ng makita ang nakangiti nitong mukha. Parang inosente, pero kilala niya ito. Parang nagpapalit lang ito ng damit kung magpalit ng kasintahan. Balita niya ay wala pang umaabot ng isang linggo na relasyon iyan.

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo sinabi iyon?"  Kalma ka lang, heart. "Iba na ang magiging buhay ko rito. You jerk." sabi niya.

"Don't hate me for what i did. Because, i assure you, i'll make you fall for me" nawala na ang ngiti sa mukha nito. Naging seryoso ito at parang ipinapangako nito ang sinabing salita. "Sisiguraduhin ko na ikaw ang magiging usap-usapan. Dahil ikaw ang unang babaeng pinagtuunan ng isang dakilang tulad ko ng pansin" he said with finality. Bumalik ang confident na ngiti nito.

Nanlaki ang mata niya ng halikan nito ang pisngi niya. "Have a nice day, love" masuyong sabi nito bago hinaplos ang hinalikan. Umalis ito at iniwan siyang prinoproseso ang nangyari.

End of flashback....

Present day...

"Andito na tayo"

Bababa na sana siya ngunit mabilis na bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto. "s-salamat" nahihiyang sabi niya. Hindi siya sanay pa rin rito.

Agad na tumingin siya sa bahay nila kung may nakakita, pero wala. Thank god, baka himatayin ang mga magulang niya. May fiance siya! Tapis may kasama siyang lalaki? Ano yun, third wheel?

"Goodbye, love. Dream of me tonight" sabi nito at hinalikan siya- sa noo. Pero bakit ganoon? Nadismaya ang puso niya? Parang naghangad siya na sa labi siya mahalikan?

"Che! Umalis ka na. Salamat na lang sa paghatid." nahihiyang pagtataboy niya. Tumawa naman ito. "Mukhang pink na ang paborito kong kulay. The color of your cheeks right now" sabi nito. Mas lalo siyang namula at tumawa lang ito.

"A-alis ka na nga" sabi niya at tumalikod. Agad agad siyang tumakbo papasok sa gate nila. Binati agad siya ng mga guwardiya. Tumango lang siya at tumakbo patungo sa kuwarto niya.

She let herself fall on the bed. Minutes later, she found herself being hugged by the darkness.

Flashback...

Ilang araw ng mag umpisang gumalaw ang lalaki na ikinainis ni Rejane. Puro pagpapapansin lang ang ginagawa nito sa kanya. Tatawag para manghiram ng ballpen at kung ano ano pa. Napakakulit nito. Parang hindi senior high. Parehas kasi silang senior high, iba lang ang classroom. Mas matanda ito sa kanya ng ilang buwan.

Paano niya nalaman? Maingay si Chelsea.

"Love......."

Napatigil siya sa pagbabasa ng marinig ang boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para makita kung sino ito. Sa tono pa lang nito ay alam na niya kung anong gagawin nito.

"Anong kailangan mo?" tanong niya rito. Naramdaman niya ang pag upo nito sa tabi niya. Nasa bench kasi siya ng paaralang iyon, under the tree. Mataas na lugar rin iyon dahil nasa ibaba ang soccer field.

Kasali ito sa soccer team. Malamang ay kakatapos lang ng practice nila para sa susunod na game nila.

"Eto naman, masyadong seryoso. Here, flowers for a lovely lady" Nagulat siya ng iabot nito sa kanya ang paborito niyang bulaklak. Napakaganda ng pagkakaayos ng pink  roses. Tumingin siya rito dahil alam niya ang meaning nito.

"Please believe me" mahinang sabi nito at ngumiti. Parang natunaw naman ang puso niya sa sinabi at inasal nito. Maya maya pa ay may iniabot itong daisy sa kanya. Napakunot ang noo.

"That means loyalty and purity. Totoo ang ipinapakita ko sa iyo, Rejane."

Her breath hitched. Hahawakan na sana niya ito sa pisngi ngunit may tumawag rito.

Napatingin siya at isang babaeng may revealing na suot ang tumatakbo patungo sa lugar nila. Agad nitong niyakap ang lalaki.

May pa flowers flowers pa siyang nalalaman.... Grrr....

"I miss you, babe!" sigaw ng babae at kumandong pa dito. Agad na nagsalubong ang kilay niya. Binitbit niya ang mga libro at tumayo.

"Wait! REJANE!" Pagpipigil nito sa kanya. Grrr... She hated him to the nth power! May sinasabi sabi siya na ganon tapos may gurlfriend ito.

"Let me explain"

Humarap siya rito at ngumiti. Pero bakit ganun? Hindi umaabot sa mata niya? Bakit masakit makita ang eksenang naghahalikan ang dalawa?

Tumakbo na siya palayo rito.

Way to her heartWhere stories live. Discover now