DTLY- 7

881 29 0
                                    

Steph POV

Pag gising ko ay sobrang sakit ng ulo ko, pero pansin ko na nakahiga ako ngayon at pagmulat ko ay dun ko napagtanto na hindi ko pala to kwarto. Agad ko naman tinignan yung soot ko at mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Omg! Hindi to pwede!! Huhu. Naiiyak na sabi ko sa sarili ko! Pano ba naman, iba na yung damit ko. Kanino ba ko sumama? Sino ba kasama ko?! May nangyari ba samin? Tangina kay Chase lang to eh. Huhu! Bigla akong napasabunot sa sarili ko dahil wala akong matandaan. Habang busy ako sa pagsabunot sa sarili ko ay bigla naman may kumatok sa pintuan dahilan para bigla akong mapatayo, maya maya ay biglang bumukas yung pinto at pumasok yung dalawang kasambahay.

"Goodevening po mam, buti po nagising na kayo. May dala po kami pagkain sabi po kasi ni Ms. Zoey hatiran ka namin." Pagkasabi niyang yon ay biglang naalala ko yung nangyari kung bat andito ako ngayon. So hindi naman siguro si Zoey yung nagpalit ng damit ko diba? Isip ko, lumakad naman ako papunta sa bag ko at kinuha yung phone ko. Pag tingin ko ay ang daming missed call ni Mommy at Kuya. Nag reply ako na sabi ko di na muna ako makakauwi, ewan ko. Feeling ko hindi ko rin kaya umuwi ngayon. Wala naman siguro masama gagawin sakin si Zoey diba?

"Kumain na po kayo mam, mamaya po aakyat na dito si Ms. Zoey, nasa baba lang po siya may inaasikaso." Rinig kong sabi ng babae na sa tingin ko ay nasa 30plus na ang edad.

"Sige po, Maraming Salamat po pala." Ngiting sabi ko sakanila. Maya maya pa ay lumabas na sila at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako ay naisipan kong i stalk yung Instagram ni Zoey. Pag tingin ko ay napaka konti ng mga post. Parang ilang piraso lang to a?

Pag tingin ko ay ang dami niyang followers, mapa kabilang school eh sikat siya. Sabagay, maganda naman kasi si Zoey. Halos ang dami rin nag co-comment kadalasan babae na patay na patay sakanya. Napa gawi naman ako sa tagged photos niya. May isang picture don na nagpa gising sakin.

Chloe? Sabi ko sa sarili ko. Bigla naman akong nagulat sa mga sumunod kong nakita. Actually, hindi nila to post. Pero mga shared photos na to na hindi ko alam san nila nakuha. Tinignan ko pa yung ibang mga pictures na sinasabi na "My favorite couple, please comeback" sobrang dami ng pictures nila together. At ang mas lalo kong kinagulat ay nung nakita ko kung kailan naging sila at kailan sila natapos. WTF!!! So niloko niya si Zoey? Isip ko sa sarili ko. Si Chloe Buenavista kasi yung Girlfriend ng Co-Captain ko sa Cheerleading na si Cheng. At sa pagkakabasa ko ng date ng break up nila, ay alam kong nag celebrate na sila non ng 3rd month together ng friend ko. Habang busy ako sa pagtingin ng ibang pictures nila ay nagulat naman ako ng biglang bumukas yung pinto at may niluha na sobrang puting babae.

Parehas naman kaming nagkatinginan, pero nagulat ako ng unti unti kong nakilala yung babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Heriel??" Pagtatanong ko at tumayo pa talaga ako para lapitan siya.

"Heriel??" Pagtatanong ko at tumayo pa talaga ako para lapitan siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Ate Steffi?" Rinig kong sabi niya. "Omg! Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong niya sakin. Well di ko rin naman alam bat nandito ako. Sabi ko sa sarili ko, pero ang mas pinagtataka ko, anong ginagawa niya dito? Si Heriel yung lagi nagpapa counseling kay Chase. Kaya nakilala ko siya, kasi pag pinupuntahan ko si Chase eh palagi silang may therapy. Depress kasi palagi tong bata na to.

Dare to love you (Jenlisa) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon