DTLY - 26

562 15 1
                                    

Steph POV

Habang naglalaro kami dito ni Zac ay bigla naman lumapit samin yung yaya nito kasunod si Zoey. "Zac, tara na maligo ka na daw sabi ni Daddy mo." rinig kong sabi nito. Bigla naman tumayo si Zac at nagpaalam na sakin, pero kiniss niya muna ako. Dahilan para mag pout si Zoey. Hahaha! Jusko pati bata ata pagseselosan niya. natatawang sabi ko sa sarili ko.





"At bat nakasimangot yung baby ko?" pangaasar ko dito sa nasa harapan ko. niyakap ko naman siya sa leeg at hinalikan sa lips ng matagal. "I love youuuu!" paglalambing ko sakanya, at napansin ko naman na ngumiti na siya. "Ikaw ha? dinadaan mo na naman ako sa ganyan" pangaasar niya sakin. "Hindi ah? tara na sa kwarto mo, gawa tayo baby" pang aasar ko sakanya. Dahilan naman para mamula siya ng sobra. Naalala ko tuloy kagabi muntikan nang may mangyari samin. Hehe! Syempre! bibigay ko naman sakanya to no! Siya na kaya gusto ko maging tatay ng mga baby ko.





Pagtingin ko naman sa loob ay may babaeng nasa hagdan na kanina pa nakatingin samin. Nang mahuli ko siyang nakatingin samin ay agad naman siyang umakyat, pero hindi nakalusot sakin yung sama ng tingin niya. "Tingin mo baby papayag sila tita bukas sa outing?" rinig kong sabi niya sakin. "Hindi ko sure eh, pero lets try. Malay mo naman diba pumayag?" ngiting sabi ko sakanya, sabay akap ulit sakanya ng mahigpit. Hindi ko hahayaang maagaw ka lang sakin ng kung sino man. inis na sabi ko sa sarili ko.





"Grabe! kaya pala nawawala kasi naglalandian dito sa labas" rinig kong pangaasar samin ni Avery. "Hoy ikaw! madami ka pang kasalanan sakin ha? Magtigil ka diyan" inis na sabi ko sakanya. Maya maya ay napansin namin na lumabas na si Zek sa kwarto niya. Napansin ko naman na nakatingin siya sakin bago tuluyang pumasok ng sasakyan. Maya maya pa ay sumunod ng lumabas yung malanding babae na kanina pa nakatingin samin ni Zoey.





Napansin ko na papalapit siya samin at akmang yayakapin niya si Zoey ng pigilan ko siya. "Hey girl! Easy! Masama na bang bumeso sa kapatid ng boyfriend ko?" pangaasar sakin ng babaeng hitad. Magsasalita na sana ako ng biglang nag salita si Gwen sa likod namin. "Oo! masama! lalo na kung yung ex niya pang nanloko sakanya ang gagawa!" inis na sabi neto. "Whatever!" rinig namin sabi niya sabay irap at lakad patalikod samin.


Lalapitan na sana ni Gwen pero agad siyang pinigilan ni Chase. "Ang lakas talaga maka highblood ng babaeng yan. Hay nako! Mga pinagpapatulan mo kasi Zoey eh!" stress na sabi ni Gwen. "Ouch, grabe naman yun Ate Gwen" rinig namin react ng kapatid ko. Natawa naman ako, hahahha! Oo nga pala, naging sila nga pala. Hahahaha!





"Psh" rinig namin sabi ni Heriel, sabay walk out. Ayan! HAHAHAHA! "Nako, habulin mo na yun ikaw kasi eh, pinaalala mo pa" sabi ni Zoey na nagaalala. Medyo matagal na rin yung huling nagsugat si Heriel. At sobrang laking tulong ni Avery sa development niya. Kaya masaya na rin ako, kasi finally ay sila ng dalawa. Maya maya pa ay narinig kong nag ring yung phone ko at napatingin naman ako dahil number lang yun. Napansin ko naman na napatingin rin sakin si Zoey, at nagpaalam na ako sakanya na sasagutin ko lang yun.





"Hello?" rinig ko sakabilang linya. Kilala ko to....





"Jaime?" paninigurado ko.





"Ako nga! Grabe! Sobrang namiss kita. So tuloy ba tayo mamaya?" tanong niya sakin. Dahil sa sobrang busy ko kay Zoey ay nakalimutan ko na magkikita pala kami ni Jaime ngayon.





"Hello? Steffi? Andiyan ka pa ba?" pagtatanong niya sakin.





"A-ah eh, Oo! Sige! Magkita na lang tayo mamaya!" sabi ko sakanya.





Dare to love you (Jenlisa) CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang