Chapter 20. Butterflies

4.4K 246 86
                                    




Butterflies


Pakiramdam ko naglipana ang libo-libong paru-paru sa tiyaan ko. Dios ko! Ang butiki naman nitong nararamdam ko. Nakakabaliw na parang masusuka ako. Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag nagugustuhan mo na ang isang tao. T-Teka lang? Ano! Namilog lang lalo ang mga mata ko, dahil pakiramdam ko ako nga at sa akin siya nakatitig.

Nag marathon ang puso ko. Dios ko, Isabella! In-lababo ka na ba sa kanya? Tanong ng isip ko.

Para sa akin na ang kanta? Ba't parang ang mga mensahi ng kanta at titig niya ay lubos na tumatagos sa puso ko? At bumibilis ang bawat pagpintig ng puso ko. I never felt this way before. Kahit kay Karl hindi ko naramdaman ito.

Napahinto ang titig ko kay Charles nang tinulak tulak ako ni Mia at tumitili pa.

"Oh, my gosh, Isay! Kanina pa 'yan nakatitig sa'yo!" tiling tili siya ng sobra.

Hindi naman ako makapalag. Nagsitilihan kasi ang lahat ng mga kababaihan at nagkakagulo na sila. Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa mga titig niya sa akin.

Natapos ang kanta at nagsigawan pa din ang lahat. Nang biglang nagulat ang lahat na may isang lumabas na may hawak ng mikrophono.

What the-- Si S-Sebastian! Isip ko.

Hindi magkamayaw sa sigaw at tili ang lahat. Nabibingi na ako sa ingay. Alam kong sikat ang banda nila noon pa at nahinto lang ito ng mawala si Sebastian at pumuntang Amerika. Alam kong sinabi ni Mia noon na babalik siya, pero sa susunod na taon pa dapat ito.

Kumunta sila ng bagong tugtug. Ngayon siya na ang vocalist at katabi na niya si Charles na second voice niya na hawak ang guitara. Sabay nilang parehong pinapatugtug ang kani-kanilang guitara. Niyugyug ng husto ni Mia ang mga balikat ko. Samantalang ang mga mata ko naman ay nakatingin kay Sebastian ngayon.

Ang laki na ng pinagbago niya. He's so manly with his solid body build and mature look. Every woman would die for it. Nakakaakit na kasi ang hitsura niya at propesyonal na ang dating niya. Napaawang na ang labi ko habang nakatingin sa kanya.

Tatlong taon, talong taon din siyang nawala. Maganda pa rin ang boses niya at walang nagbago. Maliban lang sa naging matured siyang lalo sa paningin ko.

Savy! Savy! Sigaw ng karamihan. Kumaway si Mia at tumili. Nakuha agad ni Sebastian ang atensyon niya at kumayaw siya at ngumiti ng napakaganda kay Mia.

Niyugyug na ni Mia nang husto ang balikat ko sa kilig at tili. Napansin siguro ni Sebastian ito dahil nakatitig na siya sa akin ngayon. Nagtagpo ang titig namin at kinabahan na ako. Umiwas agad ako sa titig niya at binaling ko ang tingin kay Charles na ngayon ay nakangiting nakatitig sa akin. Ngumiti na rin ako sa kanya.

Hindi ko kayang tapatan ang mga titig niya at sadyang naiilang pa din ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero ganitong-ganito rin ako noon sa kanya at parang hindi pa rin ito nagbabago.

Tiningnan ko ulit si Charles na nakatingin pa din sa akin. Kumalabog na naman ang puso ko. Ba't ba kasi ganito ang nararamdaman ko kapag si Charles na? Ngayon lang naman ito ah! Hindi naman ako ganito noon sa kanya.

Tinapik ni Sebastian ang balikat ni Charles habang nag p-perform sila. Ngayon ko lang naalala na magpinsan pala ang dalawa. Nakalimutan ko 'ata.

Natapos ang kanta nila. Lumabas na ako ng auditorium. Alam kong may isa pang kanta silang kinanta at hindi ko na pinanood ito. Dali-dali na akong pumunta ng banyo. Hinugasan ko ang mga kamay ko at tinitigan ko ang mukha sa malaking salamin sa harapan.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora