Chapter 49. Whisper

4.6K 221 15
                                    


-at present -

Whisper


"Do you know him?" tanong ni Kevin sabay tingin kay Charles na nasa harapan ng stage.

"Kanina pa si Charles nakatingin sa'yo?"

Tumaas na tuloy ang kilay kong pinagmamasdan siya ngayon.

"So what? Do you happen to know him?" ibinalik ko ang tanong kay Kevin habang inis kong tinitigan si Charles. Nakatitig lang din siya ng husto sa banda ko.

"Yes, he's a good friend of mine." Itinaas ni Kevin ang ang kanang kamay at sumenyas kay Charles. Tumango si Charles sa kanya at namulsa na. Pinaikot ko na ang mga mata ko, sabay iwas sa titig niya.

"Are you sure you didn't know him, Isabella? Mukhang kilala ka niya." Tumaas na ang kilay ni Kevin na nakatitig sa akin at pilyong ngumiti pa ito. Tinitigan ko pabalik si Charles, at ang lagkit pa din ng titig niya sa banda ko. Kung noon ay makuha niya ako sa titig, ngayon hindi na. Kaya manigas siya!

"Ayaw ko sa mga playboy," taas kilay ko at iwas na.

"Oh, mukhang playboy ba si Charles sa paningin mo?" bahagyang ngiti niya. Baliw rin 'ata ang utak ng Kevin na 'to! Daig pa ang babae kong makapagsalita. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Magsama kayo. Mukha ka rin namang playboy."

Tumayo na ako at kinuha ang maliit na pouch sa harap.

"Woah! Wala pang umaayaw kay Charles. Girls are chasing him, in line. Ikaw pa lang yata ang unang tumangi," bahagyang tawa niya at napailing pa.

"Wala akong pakialam, Kevin. Ladies room lang muna ako," pekeng ngiti ko sa kanya at tinalikuran na siya.

Sa ladies room ako nagtagal. Kulang na lang ipukpok ko ang sariling ulo sa dingding para magising kong sakaling panaginip ito. Pero hindi, dahil kahit anong gawin ko ngayon ay totoo na, at nandito talaga siya. Ang malas ko naman talaga.

"Lord naman nagdadasal naman ako palagi. Sorry na! Bakit dito? Pwede naman sa Pinas! At least doon marami akong matatakbuhan. E, dito wala?" salita kong mag-isa sa sarili.

Tumitig ako sa salamin at pilit na inaayos ang sarili ko. Hay naku! Ginulo ko na ulit ang buhok ko. Para na akong baliw nito.

"Okay, inhale...exhale...inhale...exhale. She's your ex Isabella and he's still handsome."

Nanlaki ang mga mata ko. What did I just said? sabay hawak ko sa ulo ko. Wala na nga ako sa sarili at pakiramdam ko ay mababaliw na ako ng husto. Ang tahimik na mundo ko ay nanganganib na magugulo na naman ngayon dahil sa presensya ni Charles.

Nakapikit ang mga mata ko at nakiki-usap ako sa sarili. Okay, kaya ko 'to. I just have play dead, right? Deadma! Isip ko. Alam kong wala na akong magagawa kay iisipin ko na lang na wala siya at hindi siya siya totoo. Huh, goodluck, Isabella!

Naglakad ako nang matuwid pabalik sa mesa. Nagtaka pa ako dahil iba na ang nakalagay na pangalan sa mesa ko ngayon. Napalingon ako sa gilid at ang nakangiting mukha ni Kevin ito. Kumunot na ang noo ko.

"Sorry, Isabella. I have to move your seat somewhere else," saad ni Kevin.

"Ano? Bakit? Saan?" Sabay lingon ko. Pero dahil medyo dim na ang ilaw sa paligid ay hindi ko na nakikita ang iilan pang katawa sa bawat tabi at gilid ko.

"Requested by you know," ngiti niya na parang baliw. Hindi ko na lang pinansin.

"I'll take you around. Dito tayo."

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon