Chapter 28. Charle's POV p3

4.2K 241 31
                                    



Part 3

Charle's POV


Ours will be next to perform. Kinabahan ako dahil nakikita ko siya sa harapan na nakaupo kasama si Mia. Natapos ang performance nila Karl at Miranda at kakaiba na ang tingin niya kay Karl ngayon. Hindi na rin niya ginagawa ang mga ginagawa niya kay Karl dati.

Tinawag na kami ng emcee. Pumwesto ang bawat isa at ang guitara ko. Siya agad ang unang nakita ng mga mata ko. I got hooked sa kantang ito at siya ang palaging iniisip ko. Una ko itong narinig noong first year pa lang ako, at dito ko nalaman sa sarili ko na gusto ko siya. I like her or maybe more than that? I don't know.

🎶🎶
When I look into your eyes
I can see how much I love you
And it makes me realize
When I look into your eyes
I see all my dreams come true
When I look into your eyes...
🎶🎶

I mean every words of it Isabella kung alam mo lang... Iniisip ko ito habang tinititigan siya sa kanyang mga mata at nakatitig din siya sa akin. Alam ko ito at alam ko na may puwang ako sa puso niya dahil nakikita ko ito sa mga mata niya.

Hindi pa tapos ang kanta namin ni Sebastian pero lumabas na siya. Hinanap ko siya pagkatapos naming tumugtug. Nakita ko siya sa likurang bahagi at nakatingala sa malaking puno sa harap. Tinanong ko siya kung nakuha ba niya ang mensahi ko? At binigay niya agad ang notepad na may nakasulat na numero niya.

Ang totoo, alam ko ang phone number niya, memorise ko pa nga! Pero gusto ko lang talagang matitigan man lang ang sulat niya. Lahat ng notepad na binibigay niya kahit noon ay tinatago ko. Tsk, baliw na nga ako sa kanya.

Kailangan ko siya bukas para magsukat kami ng damit. Gusto ko kasing si Tita Erline Delaviste ang gumawa ng damit niya. Naghihintay na lang si Tita sa akin kung kailan kami pupunta sa boutique.

"Isabella look at me," malambing kong tugon sa kanya

"Tomorrow, I want you to free your day for me please?"

"Yeah sure," she nodded.

Naiiling siya alam ko 'yon. Kumunot ang noo niya at seryoso ko siyang tinititigan. Lalo na ngayon na wala na siyang salamin. Lalong nakikita ko ang kagandahan ng kanyang mga mata. Sarap din niyang asarin ng konti, natatawa ako.

"I'm just enjoying a beautiful portrait in front of me." Ang ganda niya kasi, sobra pa.

"Ikaw ha, bolero ka talaga! Tigil-tigilan mo ako, Charles!"

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso, kaya ako na ang tumitig ng husto sa mga mata niya.

"Bakit? Totoo naman. Mas maganda siguro kung ibalik mo ang salamin mo, at ng sa ganoon walang ibang tumititig sa'yo," pagbibiro ko. Pero ang totoo nagseselos ako sa mga lalaking tumititig sa kanya.

Kumunot ang noo niya at sinapak na ako sabay lakad palayo, Pero nainto siya at muntik nang tumama ang mukha niya sa dibdib ni Sebastian. Nagtaka ako nang sabihin ni Sebastian ang pangalan niya. Do they know each other? How? Isip ko.

"Siya lang naman ang babaeng nagpa-iyak sa akin ng husto, bro," saad ni Sebastian sa seryosong mukha nito.

Kinabahan ako. Kilala nila ang isat-isa? Paano? Nagkibit-balikat si Isabella na nakaharap sa akin at tumalikod na. Nagpaalam na siya sa akin at kay Sebastian na din.

"Bro how did you know her?" ulit na tanong ko. Hindi siya kumibo at tinalikuranna ako at naglakad palayo. I have a bad feeling about this!


The Trouble with Love (BBHS1) ✅Where stories live. Discover now