Chapter 55. Little Secret

5.3K 226 28
                                    




Little Secret


And we did it again. Nagising ako at tinanaw ang orasan sa dingding. Alas kuwatro 'y emedya na ng madaling araw. Nasa kama na kaming dalawa. Masakit ang boung katawan ko, pero ngumiti akong naalala ang nangyari.

Did we do it four times? Or was it five times? Naapailing ako sa sarili habang nakatitig sa kanya. Mahimbing ang tulog niya. Mas napangiti ako. Ang gwapo ng nag-iisang babe ko. Ilang minuto ko rin siyang tinitigan at hindi na ako makatulog. Kaya nag-pasya na akong bumangon para at maayos ang iilang gamit ko.

Maingat akong tumayo at nagtungo sa may study table niya rito. Nakita ko rito na may may iilan pang gamit na kailangan ipasok sa maleta namin dalawa. Kagaya ko ngayong araw na ito rin ang alis niya papuntang Amerika at ako naman papuntang Paris. Isa-isa kong inayos ito at ipinasok ang lahat at pati na rin ang sa kanya.

Nang matapos ay madilim pa rin ang langit. Tanging lampshade na maliit lang ang ilaw sa kwarto na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Umupo ako dito at tiningnan ang mga bagay na meron siya. Noong una ko pa lang dito ay hindi ko pinansin ang mga bagay sa lemasa niya, at ngayon ko lang din nakita ang ibat-ibang litrato na meron ito.

It was more likely his picture when he was young. Ngumiti akong pinagmasdan ang bawat litrato ni Charles. Napako agad ang tingin ko sa drawer na nasa gilid, and our of curiosity I open it. Isang picture frame ang nakita ko pero nakatalikod ito. Kinuha ko ito at para matingnan. Ang akala ay kagaya rin ito ng mga litrato niyang naka-frame pero mali ako...

Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ang nasa litrato. Si Charles at may nakaakbay sa kanya sa likurang bahagi niya. Isang babae, maganda at maamo ang mukha. I don't know her, hindi siya si Tracy at mas lalong lalo na hindi siya ang babaeng nakita ko rito.

The smile on Charles face is fresh and lifting. Masaya silang dalawa sa litrato at magkahawak ang kamay niya sa isa't-isa. Kinabahan ako. Sino ba siya? Isip ko. Ngayon nagtatanong na ang isip ko. Kumunot na ang noo ko at inisip na baka isa lang siya sa mga naging babae ni Charles noon, noong mga panahon na wala na kami.

Binalik ko ito sa kinalalagyan, pero napansin ko agad ang merong puting envelop na maliit  na nakasulat ang pangalang  'Charles&Avon Invitation'... Kumalabog nang husto ang puso ko,  at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi kakaiba ito.

Tinitigan ko muna si Charles at mahimbing pa ang tulog niya. Nanginig ang kamay kong kinuha ang invitation at binuksan ko ito.

Yes, I was right. It's a wedding invitation... Nanlamig ang buong katawan ko at parang bumagsak ang puso ko sa paanan. Abot-abot ang kaba ko sa dibdib na parang gusto kong maiyak. I tried to calm myself and think of the other way around. Inisip kong impossible naman... Kaya binasa ko agad ito.

As soon as I read it my tears started to fall... The wedding is in three months. Tatlong buwan simula ngayon ay ang kasal nila... Bumagsak na ang luha ko at hindi ko na napigilan ito. Pinunasan ko agad ang sariling luha at  ibinalik sa drawer ang invitation at ang litrato nila.

Sumakit ang puso ko nang tumayo ako at kamuntik na tuloy akong matumba. My heart throb like someone stab my heart. Ang sakit, ang sakit nito... Pero mas hindi ko 'ata kakayanin kong makikita niya akong ganito. Kaya nag -sip akong pumasok sa banyo.

Okay, Isabella. Calm down. Kaya mo ito. Isip ko habang nakatitig sa salamin.  I gasped for an air while trying to calm myself. Mababaliw na yata ako... Bakit Charles? Bakit?

Ang dami kung tanong sa isip ko. Is this what he meant when he said he want to settle things first? Ito ba ang ibig sabihin niya na may aayusin muna siya at babalik siya sa akin? Bwesit naman oh! Ang tanga, Isabella! Nagmura na ako sabay iyak sa sarili.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon