Chapter 6-Perks of Being a Bodyguard

282 6 0
                                    

Try ko mag 3rd person's PoV. Comment your reactions kung ano mas maganda okay?

Astunia's/Raven's

Nasa banyo si Raven , doon agad siya pumunta pagkagising niya. Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya nakatulog kundi ay idlip lang, dahil narin sa ginawa at sinabi niya kagabi.

"D*mn this eyebags!! " mahina niyang ngitngit at patuloy na nilagyan ng concealer ang kanyang mukha lalo na sa ilalim ng kanyang mga mata, ayaw naman niya sigurong magmukhang zombie noh?.

Inayos na niya ang kanyang blouse dahil medyo nakusot ang manggas nito. Habang nasa loob siya ng banyo ay matiwasay namang natutulug-tulugan si Gio at hinihintay lamang na lumabas ang dalaga sa banyo. Siya rin nama'y nahirapang makatulog kagabi dahil sa ginawa nang dalaga sakanya. Hinawakan niya ang kanyang labi dahil hanggang ngayon ay ramdam niya parin ang labi nito sa kanya.

'That was real amazing.' Sa kanyang isip-isipan habang nirereminisce ang mga nangyari kagabi. Lingid sa kanyang kaalaman ang totoong dahilan kung bakit siya hinalikan ng dalaga. Ang alam niya lang ay gusto niya ulit itong halikan, nakakaadik ang mga eksperto nitong mga labi..

Lumabas si Raven sa banyo kaya nagtulug-tulugang muli si Gio. Halatang-halata ng dalaga na nagpapanggap lamang itong tulog. Naglakad siya papalapit sa king size bed ng binata. Dito rin siya natulog sa kwarto ng binata, ngunit magkaiba sila ng kama. Siya naman ay nakahiga sa isang single size bed na talagang napakaliit para sa kanyang sanay na sa napakalawak na higaan.

Lumuhod siya sa gilid ng higaan ng binita, kitang-kita nito ang paglunok ng binata dahil sa kanyang paghipan sa may bandang tenga nito. Napangisi na lamang siya ng nanigas ang binata ng hinaplos niya ang noo nito sabay hawi sa kanyang buhok.

"I wish you'll sleep forever."- napaupo naman ang binata dahil sa tinuran niya.

" You want me dead!?"-inis na tanong ng binata sakanya, napangisi nalang siya dahil sa reaksyon nito. Inilapit niya ang kanyang mukha sa binata dahilan para ito'y matigilan.

"I don't want you dead honey, I just want you to sleep smiling while dreaming of me."-sabi niya sabay bigay ng isang masarap na smack sa labi ng binata na nakapagpatuod dito. Kinagat niya ang kaniyang labi at tumalikod sa binatang tulala. Binuksan niya ang pinto ng kwarto nito at bago lumabas ay muli niyang tinignan ang binata na medyo nabalik na sa mundo.

" Nga pala, why do you still look handsome kahit mukha kang zombie dahil sa eyebags mo?"-at tuluyan na siyang bumaba upang pumunta sa kusina para kumain ng breakfast. Wala ang daddy ni Gio sa mansion dahil noong una nilang pagkikita ay umalis ito para sa isang bussiness trip.

Sa sala palang ay amoy na amoy na niya ang fried rice, hotdog, at bacon na sadyang nakapagpagutom pa sakanya lalo. Napadila naman siya sa kanyang labi dahil sa takam na nadarama. Gutom na talaga siya at kailangan na niyang kumain. Pagkadating sa kusina ay agad siyang kumuha ng pinggan at masayang umupo at tinignan ang mesa.

"Gosh, hmmm!! I'm so hungry!!" Gutom na gutom niyang saad habang nilalasap ang masarap na amoy ng pagkain. Ipinatong na niya ang kanyang pinggan at nilagyan ito ng pagkain. Masaya niyang nilantakan ang kanyang pagkain na akala mo ay mauubusan na siya ng pagkain. Masaya niya pang nilalasap ang bawat nguya niya.

"Hmmm... I'm so d*mn hungry! This is heaven!!"-kanyang saad at muling sumubo ng sunod-sunod. Habang kumakain siya ay narinig niya ang mga mabibigat na yabag ni Gio na papunta sa kanyang kinaroroonan. Ramdam niya ang presensiya nito at hindi niya lamang ito pinansin kahit na ngayon ay pinapanood siya nito sa may pinto. Alam niyang napaka-walang manners ang paraan niya ng pagkain ngunit anong magagawa niya? Siya'y gutom na gutom at takam na takam sa pagkain na nakahain sa mesa. Napatigil naman siya ng marinig na nagpipigil ng tawa ang binata.

The Bloody Mafia Empress (On A Very Long Hiatus)Where stories live. Discover now