Chapter 1-Mission

884 14 0
                                    

Chapter 1-Mission

Bumaba siya sa hagdan habang pinapakiramdaman ang kanyang paligid.

Ng makahakbang siya sa last step ng hagdan ay nagtago muna siya sa gilid ng pader habang mahigpit na hawak ang isang dagger sa kaliwang kamay at handgun naman sa kanan.

Tatlo nalang ang natitira sa mga kalaban niya na ang tanging mithiin ay mapuruhan o masugatan manlang siya para magpatuloy ang kanilang pamumuhay sa mundong ito. Ngunit ang tanging pagkakamali lamang nila ay ang pagpasok sa mundong si kamatayan ang kalaro.

Napangisi na lamang siya ng papalapit na ang unang kalaban sa kanya. Nang makalapit na ito sa kanyang kinatatayuan ay humakbang siya palabas at naging dahilan ito sa pagkagulat ng kalaban sa kanyang harapan.

"Shoot me. "Sabi niya rito at itinutok naman sakanya ng kalaban ang baril nito ngunit hindi pa nito pinapaputok. Naghintay pa siya ng ilang sandali hanggang sa mainip siya at nagsalita.

"I'm giving you the chance to shoot me,or you really wanna die??" tanong niya rito. Akmang papaputukin na ng kalaban ang kanyang baril na nakatutok sa sintido niya ngunit inunahan niya na ito at agad na pinaputok ang baril sa ulo ng kalaban kaya bumagsak ito.

"Oops. Sorry! Waiting is not in my vocabulary."

At iniwan na niya ang kalaban na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo dahil bago niya ito iniwan pinasadahan niya muna ang mukha nito ng dagger na hawak niya.

Sa ikalawang kanto ng bahay ay lumabas ang ikalawang kalaban at pinaputukan siya. Di manlang siya natinag at walang reaksyon niyang sinalo ang balang tatama sana sa sintido niya.

"Tss. To slow." At itinapon niya ang bala pabalik sa kalaban na tumama sa kanyang puso.

Isa nalang ang natitira at inip na inip na siya dahil para sakanya walang kakwenta-kwenta ang mga kalaban niya na hindi manlang siya masabayan.

Nang malapit na siya sa isang pintuan patungo sa endpoint ng tinatawag niyang 'boring test' ay tumambad sakanya ang huli niyang kalaban na may hawak na chainsaw. She boringly stop in front of her foe and faced him with a blank expression that made him became more nervous.

"Are you serious in using that weapon against me?" Walang gana niyang tanong na mas lalong ikinatakot ng kalaban. He just nodded and make his fighting pose.

She smirked. She put her gun down and played with her dagger.

"Teeth versus teeth.."

Napatingin naman ang kalaban niya sa gitna ng dibdib niya dahil nakikita dito ang kulay pulang liwanag . Hudyat na ang demonyo na ang kanyang kalaban. Dahil para sa babaeng ito ,lahat ng bagay ay laro lang. Mapa patayan man o mission. Ngumisi ulit siya.

Unang sumugod ang kalaban at iwinasiwas sakanya ang chainsaw na hawak nito habang siya ay walang kahirap-hirap na umiiwas lamang sa mga pinakakawalang mga atake ng kalaban niya. Sa huling paghampas ng kalaban sakanya ay walang kahirap-hirap niya itong sinangga gamit ang kanyang dagger na nagpagulat naman sakanyang kalaban.

Ang dagger na pinaka-iingat-ingatan niya ay gawa sa diamond na kayang makaputol ng glass at metal kaya unti-unting naputol ang chainsaw na hawak ng kalaban.

Sa isang iglap ay biglang nawala sa harapan ng kalaban ang babae.

'Asan na siya?'-tanong niya sakanyang isipan at bigla nalang nanigas dahil sa isang malamig na bagay na nakalapat sakanyang leeg.

"Say hello to Satan for me!"

at pinugutan niya ito ng ulo at nagtungo sa endpoint ng laro.

The Bloody Mafia Empress (On A Very Long Hiatus)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang