Chapter 10-Chase

242 8 0
                                    

Astunia's PoV

"A white rose for a beautiful girl named Raven :)"
-Gio

Yan yung nakasulat sa card na nakalagay ngayon sa lamesa ko. Including the bouquet of white roses and a chocolate. Bilib rin ako sa lalaking yun at hindi siya pumapalya sa pagbibigay sakin nito araw-araw. Noong araw kasi na sinabi ko sakanya na ligawan niya ako. Kinabukasan nun, palagi na akong nakakatanggap ng flowers and chocolates with notes syempre. How sweet of him. Minsan nga sa kwarto eh, pati narin sa kotse ko at dito sa table ko. To think na andyan lang siya sa office table niya. Atsaka, oo. May sarili akong lamesa at computer dito sa loob ng opisina niya. Wala naman akong ginagawa, facebook, twitter, instagram.

(A/N: kung gusto niyo ko maging friend, add niyo ko sa fb:alliah rochelle roma. Search niyo. Follow me on twitter:@IMAVIOLETQUEEN

On insta:@iamalliahroma. I do followback :))

Atsaka minsan nakikipagchat kayla Kaitne. Pero ngayon, tinatamad akong magcomputer, kaya pinapaikot-ikot ko lang yung swivel chair ko. Ang boring naman!! Kinuha ko yung chocolate sa lamesa at binuksan. Tinignan ko muna saglit si Gio at mukhang busy sa pagtatype ng kung ano na hindi ko alam sa computer niya. Kumagat ako sa chocolate at hmm!! Heaven talaga!!. Humarap ako sakanya.

"Uy, Thank you pala ha!! Sa susunod wag na chocolate ibigay mo sakin, baka tumaba ako ng di oras eh."-sabi ko sakanya. Tsk. Kahinaan ko kasi talaga yung Sweets. Di ko mapigilan na lantakan sila, kaya nga ilang taon ko sila iniwasan eh at nakatulong naman doon yung pagkakaroon ko ng mga mission ko.

"Ayaw mo nun? Tumaba ka? Para wala ng magkagusto sayo?"-sabi niya na sapat lang para marinig ko at kumunot ang mukha ko.

"Tang-ina mo Greville ha!! Nanliligaw ka ba o nang-aasar?!"

"Mabuti ngang tumaba ka nalang. Para walang maka-agaw sayo sakin. Masyado ka kasing maganda kaya natatakot ako na maagaw ka ng iba ." Sabi niya sabay lingon sakin at ngumiti. Napaiwas naman ako ng tingin sakanya. Nice try Greville, nice try.

Nung nakakalahati na ako sa chocolate ko, eh tinigilan ko na. Tumayo ako at pumunta ng cr para magtoothbrush. Pagkatapos ko magtoothbrush ay inayos ko naman yung buhok ko. Tinali ko ito tapos hinanap yung concealer na binigah sakin ni Shitsune. Ihinawi ko muna yung buhok ko sa gilid sa may braso ko. Di ko kasi nalagyan ng concealer yung batok ko kaninang umaga eh. Yun yung ginagamit ko simula nung lumipat ako sa bahay ni Gio. Para narin safe. 8 hours lang yung tinatagal nung concealer para maitago yung tattoo ko sa batok at sa may bandang ibaba nun. Sabihin na nating, extraordinary concealer siya. Nung hindi na kita at natakpan na talaga, tinago ko na yung concealer at lumabas. Naabutan ko naman si Gio na nag-aayos ng mga papeles niya at inilalagay ito sa isang brief case.

"Saan ka pupunta?"

"Tayo kamo. Well, I have a meeting with Mr. Sarmiento, and you are going with me. Let's go?"-sabi niya at inilahad yung kamay niya sakin. Tumakbo muna ako papunta sa lamesa ko at binuksan yung cabinet sa baba. Kinuha ko yung dalawang baril ko at inilagay sa lamesa, daggers, at swiss knife. Inilagay ko yung dalawang baril sa hita ko pati yung daggers. Tumakbo naman ako papalapit sakanya at inilagay yung swiss knife sa loob ng suit niya. Inayos ko rin muna ang necktie niya at hinawakan yung kamay niya. He smiled at me and I smiled back.

"Girl scout."-bulong niya habang papalabas kami ng opisina niya. Napangiti nalang ako.

"Teka, may extrang bala ka ba?"-tanong niya nung nasa elevator na kami. Hinarap ko siya at ngumiti.

"Andun sa sasakyan mo."

"I Bilib."-and that made me giggle.

-------------------------

The Bloody Mafia Empress (On A Very Long Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon