CHAPTER 12

2.7K 57 0
                                    

Chapter 12 :

Its been two days since I saw Parker, super magaling na rin ako, thanks to my love at napadali ang pagkawala ng sakit ng ulo ko.

"Hey Nik, alam mo ba kung nasan si Dwight?" tanong ko kay Nik habang nandito kami sa library, gather some info about their thesis.

Natanong ko lang naman kasi di ko makita si Parker, even Dwight so baka may alam siya.

"Nasa isang two day seminar sila"sagot nito, bat di ko alam yun.

"Lahat ng bagong teacher sa Holtenwood ay na obliga dun, that's why you Parker isnt here"pagdudugtong niya, I nooded.

Bat di man lang nagtext, bakit, girlfriend ka ba niya, Cab?

No. Future wife.

Napangiti ako sa isiping yun, ilang beses ko na rin na hiniling na sana ay magkagusto din siya sakin.

"Hayss.. wala naman tayong next subject diba, punta na lang kaya tayong mall, you know, bonding" suhestiyon ko, ilang oras na rin kasi kaming nandito sa lib, isa pa nawawalan ako ng gana.

"Sorry Cab, pero di pa kami tapos"sabat ni Vin, napairap ako, keso kasi parehas sila may boyfriend kaya heto naghahabol nang due date, mabuti na lang ako at tapos na.

"Si Oli na lang kaya isama mo"sabi ni Nik, habang busy magtype sa laptop niya.

"Magpapalibre lang yun"

"Si Butler Jin na lang" si Vin na ikinabusangot ko.

"Magmumukha lang siyang aso ko, Vin, so wag na.."ako

"So di ka na tutuloy "tanong ni Vin tsaka tumingin sakin.

Tumayo ako. "Nah, tutuloy pa rin ako, sige bye"ako tsaka lumabas ng library at tsaka pumara ng taxi ng makalabas ako ng campus, buti na nga lang din ay may dumaan agad.

Habang nasa sasakyan ay panay ang text ko kay Parker na di niya naman nirereplyan, panay din ang tawag ko pero di niya naman sinasagot.

Aisshhhhhh. I hate him.,joke! As if naman na ihi-hate ko siya.

"Ok lang kayo Maam"tanong ni manong, ang weird ko na sigurong tingnan.

"Ah yes po kuya"sagot ko na lamang tsaka siya nginitian.

Mabuti na lamang ay agad kaming nakarating sa mall, ang totoo nagsisi akong pumunta dito, ano naman kasi ang gagawin ko dito, magisa lang ako at wala man lang kasama.

Yeah, stating the obvious.

Sa di malamang dahilan, nagpunta ako sa isang stall na kung saan may mga nakadisplay na mga magazines.

And yeah, nakita ko ang isang papaubos na latest magazines na ang model ay ako, nilapitan ko yun tsaka tiningnan.

Iniisip ko nga panu kung hindi ako Cabrielle Chua, panu kung isa lamang akong simpleng mamamayan ng Pilipinas, may kukuha kaya sakin para maging modelo.

Napailing ako tsaka ibinalik ang magazine sa pagkakalagay nito.

Aalis na sana ko sa lugar na yun, nang may mabunggo ako, nahulog ang dala dala nitong magazine which is muka ko ang nasa front page.

Parehas kaming nagsorry at inabot ko na rin yun sa kanya tsaka ko siya tiningnan, well, ang ganda niya.

Mas matangkad lang siya sakin ng mga 3 inches, kulay blonde din ang wavy nitong buhok na halatang hindi parehong natural, maputi ang kanyang balat at well, maganda nga siya, yun na yun.

"Sorry ul---"

"Oh! Its you right"sabi niya sakin sabay pakita nung magazine na bitbit niya, nakakuha din kami ng ilang atensyon pero nagpeace sign naman tong babaeng kaharap ko.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon