CHAPTER 26

2.4K 59 0
                                    

Chapter 26 :

Mabilis na lumipas ang araw, bukas nang gabi na rin gaganapin yung ball naming mga graduating students, kasama ang mga school staffs.

Kaya nga naiinis ako dahil nandon si Sandra, tas partner niya pa si Parker, psh!

"Oy! Cab, sunduin na lang kita bukas ha, eksaktong seven"sabi ni Xander na mukang napadaan lang sa department namin, tinanguan ko lang siya, nang may maalala ko.

Magkasama nga pala kami ni Parker sa iisang bahay, baka malaman niya.

"Xander!wait!"sigaw ko na ikinatingin sakin ng mga estudyanteng naglalakad malapit samin, agad naman akong lumapit sa kanya.

"Wag mo na kong sunduin, hintayin mo na lang ako sa venue, ok" sabi ko, nagtataka naman siyang tumango tsaka umalis.

"Cab! " napatingin ako sa sumigaw sa pangalan ko, si Vin.

"What?"mataray kong sabi.

"Napadeliver na ni ate yung gown na isusuot mo dun sa bahay nyo" saad niya, designer kasi ang ate niya kaya dun na lang kami nagpadesign ng gown na isusuot namin.

"Kina Dad? "tanong ko.

"Yup, alangan naman dun sa bahay nyo ni Parker"medyo pilosopa niyang sagot.

I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon, umalis na lang ako sa harapan niya at naglakad papunta sa labas.

Pero bago pa ko nakalabas, nakita ko ang papalabas na sasakyan ni Parker, lunch na ngayon at mukang kasama niya si Sandra.

Napanguso ako. "Are you alright?" napalingon ako sa taong may-ari ng boses na yun. Si Dwight.

"Is he with her?" I asked him and he nooded, I sighed and walked towards the gate of university.

Hindi ko alam kung pano ko pa patutunguhan si Parker, he always doing that, minsan nga palihim ko pa silang sinusundan.

Masokista ka na Cab!

Napailing ako tsaka pumara ng taxi, kailangan kong pumunta sa bahay para kunin yung gown, isa pa namimiss ko na rin ang mga tao dun, tas Vivo na pinaiwan ni daddy dahil mas maaalagaan daw sya dun kaysa sa bahay namin na lagi naman kaming wala.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pinagbuksan ng guard, tinahulan pa ko ni Vivo tsaka dinilaan ang binti ko.

"Hi there Vivo, I've missed you "saad ko tsaka naman bumungad si Butler Jin.

"Brie, kukunin mo ba yung gown?"tanong niya na ikinatango ko.

"Dadalhin ko sana mamaya sa inyo pero dahil nandito ka na naman, ihahatid na lang kita pauwi" sabi niya.

"Brie! Naku nandito ka pala, halika at kumain, mabuti na lang at nagluto ako nang paborito mong putahe!namimiss na kasi kitang bata ka!" tuwang tuwa na sabi ni Nanay Kosing na niyakap pa ko ng mahigpit, may dala pa nga siyang sandok.

"Namiss din kita Nanay"sabi ko tsaka kami pumunta sa kusina, naghain siya ng tinolang manok, agad naman akong kumain, nakakagutom din pala.

"Kumusta naman kayo ni Parker" sabi ni Nanay Kosing sa gitna ng pananghalian namin.

"Ok naman po, masaya"sabi kp tsaka ngumiti ng matamis.

Masaya. Masaya your ass, Cab, siya lang ang masaya.

"Mabuti naman" sabi niya.

Mabilis ko namang tinapos ang pagkain ko, ayaw ko nang magtanong pa sila ng magtanong, baka kasi umiyak na lang ako sa harapan nila at magsumbong pa kay Daddy.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon