CHAPTER 25

2.5K 52 0
                                    

Chapter 25 :

Maaga pa lang ay gising na ko, I want to cook breakfast for us, gusto kong sanayin na ang sarili ko, malay natin, dumating yung araw na magustuhan na din ako ni Parker.

Kagabi, sobrang layo ng space naming dalawa habang natutulog, gusto ko man siyang yakapin, hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit.

Maybe, next time.

Kahahain ko pa lang ng mga naluto kong pagkain ng bumaba si Parker, magulo pa ang buhok nito, at naniningkit pa ang mga mata.

"Good morning" masayang bati ko.

"Morning" bati niya na ikinagulat ko, dati kasi di naman siya bumabati sakin ng pabalik.

Agad siyang umupo, sa kaharap kong upuan, maliit din lang naman kasi ang mesa, pang anim na katao lang.

"Gusto mo ng coffee?"tanong ko pa, tumango naman siya kaya agad akong nagtimpla. Gatas naman ang sakin.

"You're really childish" sabi niya na ikinangiti ko.

"And you're serious" sabi ko naman tsaka nilagay ang kape niya sa tabi ng pagkain niya.

"Wag mong huhusgahan kong di mo gusto ang lasa ha, susuntukin kita"biro ko pero sakto kabilang banda, sana hindi masama ang lasa.

Then, he sipped it tsaka tumingin sakin. "It's good"sabi niya, gusto ko sanang sumimangot dahil dun sa 'good' lang pero naisip ko, ok na rin naman yun.

Maya-maya, nagsimula na kami sa pagkain, naging tahimik lang kami pareho, gusto ko sana siyang kausapin pero nagdadalawang isip ako.

Nang matapos kaming kumain, siya na ang nagpresinta na siya na daw ang maghuhugas ng pinagkainan namin.

"You should take bath first, Cab, we both ending late if you will stubborn" sabi niya, nagmatigas kasi ako na sasamahan ko na lang siyang maghugas nang pinagkainan namin.

"Eh di sabay na lang tayo maligo"dire-diretso kong sabi, na ikinatingin niya, napansin ko ang pamumula ng tenga niya tsaka ilang beses lumunok

Hahaha, I guess this Parker Park, is already falling

"I don't have time for your silly jokes, Cab" sabi niya tsaka mabilis na tiningnan ang mga hugasin.

Psh! Di naman ako nagjojoke.

"Ok"sabi ko at nakangiting pumasok sa kwarto namin hanggang sa banyo.

*****

Kakasakay lang namin ng kotse niya papunta ng school, nang bigla siyang nagsalita.

"Susunduin ko pa si Sandra"nakatingin sa daang sabi niya.

My smile faded when I heared Sandra's name. That woman!

"Yeah, sure" sabi ko tsaka ngumiti at tsaka tiningnan ang kalsada, sinuot ko din ang earphone ko, alam kong kakausapin niya ko about dun, pero wala na akong gana para pagusapan pa yun.

Ilang minuto din ang nakalipas nang dumating kami sa isang malaking bahay.

"Cab, stay here, ok?"sabi niya nang tinanggal ko ang earphone ko, tinanguan ko lang siya tsaka siya pumasok sa bahay nang hindi nagdodoor bell.

Napailing naman lang ako, kadarating lang ni Sandra pero alam niya na agad ang bahay nito, ilang beses na ba siyang nagpunta rito? Samantalang sa bahay di man lang siya nagpunta.

Hindi ko nga alam, kung alam niya ba yung address ng bahay namin.

Ilang minuto pa kong naghintay sa loob at nang mainip ako ay lumabas na ko ng kotse ng naiiling tsaka nakahalukipkip na sumandal sa kotse habang nakatingin sa bahay ni Sandra.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon