CHAPTER 30

2.6K 55 0
                                    

Chapter 30 :

Katatapos ko pa lang sa photo shoot namin nang ipinatawag ako nang kompanya na kinabibilangan ko, kasama si Oli, sabay kaming nagpunta dun, sakto rin dahil balak ko talagang ngayon sabihin ang pagqui-quit ko.

"Ms. Ele, pinatawag kita dito for another contract sa kompanya, malapit na kasi ang due date ng expiration ng huling contract natin kaya mas--"

"I'm sorry, magqui-quit na po ako sa pagmomodel" sabi ko na ikinatingin nila sakin.

"What?why?"tanong ni Oli, na nagulat din at nangialam na sa usapan namin.

Napapikit ako. Ayokong mag-quit. Gustong-gusto ko ang modeling pero dahil si Parker ang nagsabi, gagawin ko.

"Everyone, I have a fiance and after 8 months, magpapakasal na kami"pagsasabi ko, well, kalahati dito totoo at kalahati dun, di pa sigurado.

Nagulat sila sa narinig, maliban kay Oli na mukang naintindihan ako at dahil naimbita rin siya dun sa engagement party namin ni Parker.

"Ms. Ele, sayang naman" sabi ng isang head, di ako nagsalita.

"Pero kung yan ang desisyon mo, wala kaming magagawa, pero kung gusto mong bumalik, welcome ka pa rin dito"

I smiled tsaka yumuko. "Thank you"sabi ko tsaka umalis sa kompanya, paniguradong mamimiss ko to.

*****

From Masungit kong Anghel

Where are you?

Napangiti ako, dati ako ang nauunang magtext sakin kanya tas ngayon..

To Masungit kong Anghel

In love ka na ba Love sakin?

From Masungit kong Anghel

Childish..

To Masungit kong Anghel

I love you too

Tas di na siya nagreply, nasa mall ako ngayon at namimili nang mga gamit sa bahay, namili din ako ng ilang damit at naggrocery.

Hindi ko nga inaasahan kung sino ang makikita ko sa mall, sina Ma'am Carmen, at Caraleigh.

"Ate Cab! " tawag ni Leigh sakin nang makita din niya ko, agad ko naman siyang kinawayan, nagpunta pa sila ni Ma'am Carmen, sakin.

"Hi Ma'am, hi Leigh"sabi ko nang makalapit sila sakin.

"Hi naku, iha, Tita na lang, masyado kang pormal"anang nito, ngumiti naman ako.

"Ate, tapos ka nang mamili"sabi ni Leigh, tumango na lang ako.

"Sabay na tayo ha, hintayin na rin natin sina Ate Sandra at Kuya Parker"sabi niya na ikinagulat ko.

"Wait, is Parker here?"tanong ko, tumango naman siya. "Teka, kaano - ano mo ba si Parker?" tanong ni Tita Carmen, well, di naman siguro siya kaugali ni Sandra.

"Fortunately, he's my fiance, pero mukang di pa rin siya nakakamove on sa anak nyo" sabi ko, nagulat ang dalawa sa narinig sakto naman na dumating si Sandra at Parker na magkahawak ang kamay, habang tulak - tulak ni Parker yung kinalalagyan ng mga pinamili nila.

Tss. Ano nga yung sinabi niyang ayaw niyang marinig yung pangalan ni Sandra sakin, ano na lang yung mga sweet gestures na pinakita niya sakin, yung..

At kaya pala nagtatanong siya kung nasan ako..kaya pala..siguro nagkabati na sila, so talagang wala lang ako kay Parker.

"Enjoying huh?" galit na sabi ko, habang nakatingin kay Parker, kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Cab, what are you doing here"sabi niya.

"What do you think"sabi ko tsaka ako tumingin kina Tita Carmen at Leigh.

I smiled but it's obvious that it's a fake one. "Mauuna na po ako sa counter, Tita, Leigh" sabi ko tsaka umalis at pumunta sa counter.

Agad naman akong dinaluhan ni Parker habang nakapila pa ko. "Cab" anya pero di ko siya pinansin.

Mabuti na lang at tapos na yung nasusundan ko kaya mas madaling di pansinin si Parker.

"I'm sorry"sabi niya. Dyan siya magaling sa sorry niya.

Nang marealize niya atang di ko siya papansinin, di na lang siya nagsalita.

"2,769 pesos po Maam"sabi ning cashier, agad naman akong nagbayad nang maibigay sakin yung sukli at resibo ay agad kong kinuha ang tatlong plastic bags na pinamili ko pero pinigilan ako ni Parker.

"Ako na"sabi niya, hinayaan ko siya tsaka ako nagtuloy - tuloy sa parking area kung nasan nakapwesto ang mga taxi.

"Ihahatid na kita, Cab, dala ko ang kotse ko"sabi niya. "At pano sila? Ihatid mo sila, Parker, kaya ko ang sarili ko" mariing wika ko.

"Mas kaya na nila ang sarili nila"sagot niya, napapikit ako, mas naiinis ako sa kanya.

"Mas mabuting ako lang ang mapahamak, kaysa sa kanilang tatlo" sabi ko.

"You're being childish again!" sigaw niya, napamaang siya.

"And you being unfair" inis na sabi ko at sumakay sa isang taxi na nasa harap namin, wala naman siyang nagawa kundi ipasok sa taxi ang mga pinamili ko.

Kinausap niya pa ang driver bago siya humarap sakin. "I'm sorry kung nasigawan kita, I didn't mean to"anya.

Di na ko nagsalita, maya-maya, umalis na kami ni Manong driver, binigay ko agad yung address ng bahay namin ni Parker.

Ilang minuto lang din ang nakalipas, nakarating na ko sa bahay. "Keep the change, kuya"sabi ko tsaka binitbit ang mga pinamili ko.

Di naman mabigat..

Sino niloko mo Cab.. Psh!

Nang makapasok ako sa bahay, at agad ko yung inayos, naligo din ako tsaka nagbihis, gusto kong maglimaliw, dala ang pouch at phone ko ay pumunta ko sa bar na siyang lagi kong pinupuntahan nong high school pa lang ako.

Maaga pa kaya, wala pang masyadong tao, naupo lang ako sa isang couch na nasa pinakahulihan at nanunuod ng mga kumakanta sa harap, habang umiinom nang tequila.

Mamaya pang 10 ang sayawan dito eh, isa pa, wala naman akong balak magpakalasing, iinom lang ako.

Ilang oras na rin ang lumipas, kapansin-pansin na dumarami na ang mga tao, puno na rin ang mga table at couch na nagkalat sa bar. Mabuti na lang at for two person lang ang inupuan ko. Well, nagpapasalamat na din ako at walang tumatabi sakin.

"Anim na bote na to ah, kanina ka pa?"tiningnan ko ang nagsalita, si Minho, umupo naman siya sa kaharap kong upuan at umorder pa ng tequila.

"May problema kayo ni Parker?"tanong niya sakin, di ako nagsalita, iinom nga lang ako diba.

Nang dumating yung order niya, umorder pa siya ng anim na bote ng beer tsaka ibinigay sakin yung tatlo.

"Kung gusto mong makalimot kahit konti, maglasing ka, yun lang ang maipapayo ko sayo"sabi niya, lihim akong napangiti, di pa rin siya nagbabago.

Patuloy lang kami sa paginom, di na siya nagsalita, hanggang sa maubos namin pareho yung tatlong beer.

Hindi ko alam pero nahihilo ko, nang tumayo ako, muntikan na kong matumba mabuti na lang nasalo ko ni Minho.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong umiyak sa harap niya, nasasaktan ako sa lahat nang nangyayari, nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang magkasama, nasasaktan ako kapag mas pinipili niya si Sandra kaysa sakin.

"Gusto mo bang suntukin ko siya para sayo?" tanong niya sakin, hindi ko alam kung tumango ba ko o umiling, basta gumawa ako ng head gestures.

Napapikit ako ng yakapin niya ko, tsaka siya may sinabi na hindi ko naman naintindihan, maya-maya, naramdaman ko na lang na kinarga niya ko.

"P-Parker..." yun ang huli kong sinabi bago dumilim ang paligid.

©ItsIOOIOOIe

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon