Dalawampu't isa

10.2K 685 164
                                    

Gumapang na lamang ako hanggang sa makalapit ako sa kama dahil sa panghihina ng tuhod ko. Sa tingin ko ay kailangan ko na talagang uminom ng gatas o kumain ng maraming balot simula ngayon. Ilang beses ko na siyang nakikita na walang saplot pero sa tuwing nangyayari ito ay hindi ko maiwasan maramdaman ang ganitong panghihina. Siya ang babae na hindi ko kinakaya.

"Selene, ako ba ay hindi mo pagsisilbihan?" narinig kong sabi niya mula sa banyo. Na pa tingala nalang ako, hindi ko pa nalilikop ang lakas ko ay may isa na namang paparating na ika hihina ko.

"Nandiyan na, Mayari." Tumayo ako bitbit ang towel niya pero pinaghanda ko na muna siya ng susuotin bago sumunod sakaniya. Pagpasok ko ay naka pwesto na siya sa shower. Kaya lumapit ako at binuksan ito para sakaniya. Sinigurado kong mainit ang tubig dahil baka magkasakit talaga siya kahit sinabi niyang hindi iyon nangyayari.

"Selene, ikaw ay sa akin na ay sumama." na pa lunok ako dahil sinabi niya iyon ay halos pabulong lang ang boses niya.

"Uhm—ano," pa baling-baling ang paningin ko mula kanan pakaliwa dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakita ko siyang nakataas ang isang kilay.

"Ah—m-mauna kana p-panuorin na lang kita," na pa kagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ko, papanuorin?! Tama ba yung sinabi ko?! Selene, pick up your mind and words!

At ayun na nga ang nangyari, pinagmasdan ko siya habang naliligo. Nahihibang na talaga ako sa babaeng ito. Habang naka upo sa malamig na lapag ng banyo, sumagi sa isip ko kung paano ko siya dadalhin sa trabaho kung nandoon si Luna? Tiyak ko na magkakaroon na naman ng gulo pero kailangan kong dalhin si Mayari kahit saan ako pumunta. Siguro ay papakiusapan ko nalang siya na huwag pansinin si Luna. Aysh! Asa naman akong magiging mahinahon ang dyosa na ito? Eh, kaya nga siya napatalsik sa kaluwalhatian dahil sa pagiging mapusok niya at mainitin ang ulo.

"Kasing lalim ng karagatan ang lagay ng iyong kaisipan," hindi ko pinansin ang sinabi niya tumayo ako at agad na binalabal ang tuwalya sa maganda niyang katawan. Tinuyo ko rin sandali ang kaniyang itim na buhok. Pinunasan ko ang mukha niya mula sa noo papuntang pisngi niya at ang huli ay ang bahagi ng baba niya papuntang leeg. Hindi ko napigilan ang labi ko mula sa pagngisi kaunti kaya kinagat ko ito. Diyusko, gaano ka perpekto ang babaeng ito?

"Ikaw ba ay na niniwala na ang iyong nasa harapan ay ang pinaka hihigit na rikit sa kaluwalhatian?"

Na pa iling nalang ako dahil wala akong gusto pang sabihin kung hindi, "Napakaganda mo." at muli akong trinaydor ng aking bibig dahil sa pagkakasabi ko nito ay agad siyang ngumisi sa akin.

"Ikaw ay kumilos na, Selene sapagkat ang lamig ay maaaring yumakap saiyong katawan." Umalis siya sa harap ko na wala na namang saplot. Na pa iling na lang ako, ginagawa niyang hobby ang pagiging hubadera ng taon. Sinarado ko ang pintuan ng banyo at ako naman ang naligo.

Pagtapos ko maligo ay nakita ko si Mayari na nakatayo sa balkohane dahil tapos na ang malakas na ulan hinayaan ko nalang siyang mag-isa. Sumandal na lamang ako sa gilid ng kama habang nakaupo sa sahig. Pinatutuyo ko ang buhok ko nang tumunog ang phone ko kaya inabot ko ito mula sa side table ko. Pagtingin ko ay si Teri kaya agad ko itong sinagot

"Teri? Kamusta si Tatang?" naririnig ko mula rito ang tunog ng isang makina na pamilyar ako.

"Selene--" na pahinga na lamang ako nang malalim dahil nagsimulang humikbi sa kabilang linya si Teri.

"S-Si Tatay ay na comatose at ang sabi ng mga doktor dito ay aneurysm daw kaya hanggang ngayon ay walang malay si Tatay." Para namang nadurog ang puso ko sa balita ni Teri. Naging malapit narin sa akin si Tatang simula nung bata pa ako. Na aalala ko pa palagi niya akong sinasakay sa likod ng kalabaw tuwing mag-araro siya ng malaking palayan sa Nueva Ecija na pagmamay-ari ng mag-asawang umampon sa akin. Tinuruan niya rin akong magpaamo ng kabayo tuwing tumatakas ako sa tanghali at pumupuntang kwadra ng mga kabayo.

MayariWhere stories live. Discover now