CHAPTER TWENTY-SIX: GOOD BYE

63 79 1
                                    

26: Good Bye

Criana's POV

"Criana, do you hear me?" Tanong ni Emma. Of course, may tenga ako eh.

"Of course, duh?" Inis na sabi ko. Tumitingin naman ako sa paligid at nang may dumaan na mga armadong mga terorista ay nagtago ako sa may mga halaman dito.

"Ouch!" Inis na sabi ko dahil may tumama sa aking ugat ng halamang rosas dito. Ang ganda rin ng mansyon, chaka lang ang may-ari. My god! Tiningnan ko ang aking tuhod at nay nakita ako ditong sugat ngunit hindi naman sobrang malala but it's masakit.

"On the second gate, where there's a roses design, enter that one because there's no guards there." Sabi ni Emma sa linya. Nanatili pa rin akong nakatago sa likod ng mga halaman kahit na masakit.

"In second gate, yes there are no guards there." Pag coconfirm ni Janelle sa amin. "Naglulunch break sila ng sabay-sabay. Diamond doesn't know about it. Kilala ko ang mga iyon at alam kong 10 minutes lang sila nawawala kaya Criana, make it fast." Bilin niya. Dahan-dahang umalis naman ako sa aking pwesto.

Pinagpagan ko muna ang sarili ko bago tuluyang gumora. Duh? Haharapin ko kaya ang mastermind ng mga terorista, syempre gusto ko 'yung magiging mabango't maganda ako.

Ilang metro lang ang layo nito mula sa aking pinanggalingan kanina. May mga rosas nga itong disenyo at walang mga bantay nga dito.

Kinakabahan ako na hindi ko alam. Parang may masakit sa heart ko at parang tinutusok ito. I guess kasi nga kinakabahan ako. Kinapa ko ang pistol na aking baril na nakalagay sa hita ko, sa ilalim ng aking white dress. Mamaya ay makikilala na ako bilang AgentMariaC at ang paghihirap ko ay may magandang patutunguhan.

Napangiti ako sa aking naisip. Mayroon akong small bag na nakalagay sa aking likuran. Kung icocompare sa dalawa kong sizzy, mas malaki ang bag na dala nila. Lalo na ni Ariana because she's always ready. Maraming laman ang bag niyang mga gadget na makakatulong para sa sarili niya at extra t-shirts in case na kailangang mag disguise. 'Yung kay Briana naman ay sakto lang. Ang nakalagay lang daw dito ay mga make-ups, first aid kit, emergency chourva.

Teka nga, bakit ba ang bags nila ang pinag-uusapan natin dito? Hindi ba pwedeng 'yung bag ko? Well ang bag ko naman ay ang laman ay ikang bala ng baril, at extra pistol at mga sprays. Yes, sprays, chemist ako hindi ba? Sayang naman ang inaral ko kung hindi ko gagamitin dito.

Unang spray ay ang spray na nakakahilo at kapag naamoy mo ito ay good for twelve hours kang makakatulog. Pwede mo itong gamitin sa mga bantay na epal lang naman na gamit ng mga duwag na kalaban. Pangalawa naman ay nakakabulag. Kapag inispray mo ito sa mata ng isang tao ay ligwak na! Bulag ka na for the rest of your life! Ang pangatlo naman ay kapag inispray ko ito sa iyo ay nakaka g*go dahil nakakalimot ito. Makakalimutan mo kung sino ka at kung ano ang nangyayari. Nasa iyo kung makaka survive ka pa at makikilala mo ang sarili mo, b*tch.

Syempre ako ang gumawa. Magaling ako right? Kung nagdududa kayo kung effective ba itey, you want me to try it to you guys? Hahakbang na sana ako ng biglang may nagtakip ng aking mga bibig. Kamay lamang ito at walang panyo.

Pagkalingon ko ay si Theo lang pala ito. He is wearing a black mask and his hair is so damn hot. Ay bakit ko ba iniisip ito! Kasi naman eh, napaka gwapo ng isang 'to para isawalang bahala lang ni Briana.

Tinanggal niya ang kanyang mask at mas lalong lumitaw ang kagwapuhan niya."Hey Briana! What are you doing? Where are the others?" Tanong niya sa akin.

What? Akala niya ako si Briana. Napangiti ako at umiling. Magsasalita na sana ako ngunit may nagasalita na mula sa earphones.

"I'm busy finding the other illegal drugs. Jm is finding your family's diamonds. Where the heck are you?" Inis na sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya sa akin.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Where stories live. Discover now