CHAPTER THIRTY-ONE: Criana's

66 64 1
                                    

CHAPTER 31: Criana's

CRIANA'S POV

AFTER 1 YEAR

ISA na akong ganap na chemist. Gumagawa ako ng mga perfume, drugs as in gamot ha? Hindi 'yung pang-adik. I already left Mars Universe, I'm just selling my drugs to them in case na kailanganin nila. I want a peaceful life. That peaceful life is in Manila, that's why next week ay lilipad na ako patungo sa mansyon talaga naming pamilya. Both Mamita and Papito agreed so wala ng atrasan 'to. I don't know if sasama sila, kasi mag bibirthday na rin kami.

"Uh Criana? Where are you going?" Mamita said while watering the roses of hers. Napatigil ako sa paglalakad palabas. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Napatingin din ako sa sarili ko I am wearing a white shirt and black skirt. I am also wearing a white high heels.

"Bibisitahin ko lang po si Dennise, bago ako umalis sa States, Mamita." Sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ni Papito.

"Dito ka na muna for a while." Sabi ni Papito. Kumunot naman ang noo ko at tiningnan siya nang nakanganga.

"And why?" Maarteng sabi ko. Wala eh, maarte talaga ako. Walang lunas sa sakit kong ito.

"Just stay." Papito said and then he laugh. Bakit naman ako mag iistay dito eh aalis nga ako eh.

"Papito, next week na ang flight kong papuntang Manila and you want me to stay here? Papito naman eh I want to visit De--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may narinig na akong nag-istrum ng gitara.

[HARANA BY: PAROKYA NI EDGAR]

"Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba"

Rinig kong kanta ng isang pamilyar na boses. Unti-unti akong napangiti nang makilala ko ang boses na iyon. Hinarap ko agad ang lalaking iyon.

"Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one
At sing-along"

Aaminin ko na. Yes, oo! Nakakakilig! Iba kasi 'yung dating niya eh. 'Yung boses niya, bawat bigkas niya ng salita ay alam kong para talaga iyon sa akin. Parang binubuhusan ng mainit na tubig ang kalamnan ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Nakita kong napangiti siya nang mapansing ngumiti ako.

"Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo"

Itinigil na niya ang pag iistrum ng gitara niya at may kinuha saglit sa sasakyan niya na nakapark sa labas namin at nakita kong may kinuha siyang bouquet of red roses at may dala pa itong malaking chocolate bars. Wala na rin itong bitbit na gitara.

Inalayan niya ako ng kamay at binigay ko naman ang kamay ko sa kanya. Pumalakpak ang audience namin na sina Mamita at Papito.

"Whooh!" Buga niya sa hininga niya. In fairness, amoy mint, kakatapos lang yata nito ngumuya ng vfresh eh. Ngumiti muna ito bago magsalita.

Jimmy's POV

Nakakaba naman. Kahit na hindi na ito ang first time kong gawin ito since nagawa ko naman na sa kapatid niya, nakakakaba pa rin. Lalo pa, si Criana kasi 'yan eh. Iba talaga. Magkaiba sila ni Ariana.

Si Ariana siguro, 'yung naging kami, crush ko lang siya no'n tapos lakas loob na niligawan. Kung mahal ko kasi si Ariana, I won't left her, right? Nanghihinayang lang ako sa amin. Minahal ko na rin naman siguro si Ariana pero hindi enough para sa forever.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Where stories live. Discover now