-01-

12 0 0
                                    

I dedicate this story to Leila Manuel. Thank you for everything you have done for me.

~01~

Sa buhay, mahiram makahanap ng tunay na kaibigan. Kaya kung nakita mo na s'ya, wag mo na s'yang pakawalan.

***

Kay liwanag ng mga bituin, kay ningning, kay ganda. Kasabay ng malamig na hangin na humahaplos sa aking balat, ang aking diwa ay parang lumilipad sa alapaap.

"Nandyan ka na naman?" Tanong nya sa akin. Tulad ng dati, suot suot parin nya ang sakura na palamuti nya sa buhok. Kasalukuyan kaming nasa taas ng bubong. Oo, sa ikalawang palapag ng bahay na pinapagawa pa lamang. Hindi pa ito tapos ngunit may mga bato na na maaari mong tapakan.

"Sa tingin mo, kapag nalaman ko ang nakaraan... may magbabago kaya?" Tanong ko sa kanya.

Matagal na nyang nakwekwento sa akin na nagawa nyang malaman ang kanyang nakaraan. Hindi ko sya pinaniwalaan pero... hindi ko naman magawang hindi magtiwala. Oo, hindi kapani-paniwala pero... paano kung... ang kanyang sinasabi ay totoo? Ano ang magiging basehan ko? At... ang sinabi nya na nandoon rin ako? Nakakatakot kung iisipin.

Pang... ilang buhay ko na kaya ito? At... may koneksyon ba ang mga iyon sa buhay ko ngayon?

"Bumili ka ba ng icecream? Akala ko bibilhan mo ko?" Nawiwili kong tanong sa aking kaibigan ng bigla na lamang lumakas ang ihip ng hangin

"Shinyuuu??" Tawag ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla na lamang nag iba ang ihip ng hangin. Ang kaninang pakiramdam ko ay tila nag bago.

'Anong...' sandali. Bakit hindi ako makapag salita?

"Camila, nandyaan ka pala. Sadyang... kay hilig mong pumunta sa lugar na ito. Tama?" Nangunot ang noo ko. Shinyu, bakit... anong nangyayari?

"May... karamdaman ka ba? Bakit tila yata'y namumutla ka?" Hinawakan nya ang aking noo gamit ang kanyang mga palad. Sandali... bakit ganyan ang damit nya? At bakit... ganon sya magsalita? Parang nag iba yata ang kanyang tono. Ano ba talaga ang nangyayari?

Magsasalita na sana ako upang tanungin kung ano na ba talaga ang nangyayari ng biglang nagbago na naman ang aking paligid. Nasa damuhan ako. Habang tinatakpan ang aking bibig. Walang humpay ang pagbagsak ng aking mga luha.

Sa hindi kalayuan, dalawang lalaki ang nakikita ko. May pinag uusapan sila tungkol sa pag patay. At hindi ko batid ngunit, alam ko na ang tinutukoy nila ay ang matalik kong kaibigan.

"Camila... hindi ba at kilala mo ang taong iyon? Magagamit natin sya upang gumana ang ating plano." Panaka nakang pag iling ang aking nagawa.

"Hindi, h-hindi ako papayag" mahina kong sambit. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nasabi ngunit, bigla nalang itong lumabas sa aking bibig. Sa hindi sinasadyang pangyayari, may naapakan akong tuyong dahon, dahilan kung bakit may kaluskos na narinig.

"May tao" narinig kong sambit ng isa sa kanila. Agad akong tumakbo. Lumayo, umalis hanggang sa hindi na nila ako makita.

Dumiretsyo ako sa isang kwarto. Laking gulat ko nang may makita akong babaeng may kakaibang ngiti sa kanyang labi.

Napaatras ako, hawak ko na ang hawakan ng pintuan at sumigaw ako dahil sa takot.

"Layo!! Layuan mo ko!!" Wala akong narinig na kahit ano. Nang imulat ko ang aking mata, pag sikat ng araw ang aking nakita. Nakatayo ako kasama ni shinyu, tumingin sya sa akin.

"Wag kang mag alala, ayos na ang lahat." At kasabay ng nakakasilaw na sinag ng araw, bumalik ako sa aking kinauupuan.

"Huy kumain ka na matutunay na yan sige ka" napangiti ako ng mapait.

"Mukang, mas maganda nga na hayaan nalang ang nakaraan. Tutal, tapos naman na ang mga yun. Ang mahalaga, ay kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan. Dahil ang mga bagay na yon, ang kaya mong baguhin." Sambit ko.

"Ang lalim naman ng sinabi mo. Hahaha kumain na lang tayo."

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero kahit na ang hawak ko na icecream ay unti unti nang nalulusaw, hindi ko magawang kumilos.

Tumingin si shinyu sa akin. Ngumiti na tila nanghihingi nga tawad.

"Masaya ako na... nakilala kita at naging kaibigan..."

Hindi ko batid ang kanyang sinasabi. Madalas ay kakaiba ang kanyang pag tingin sa mga bagay. Mga bagay na minsan ay hindi ko din maintindihan. Pero kahit na ganon, tanggap ko sya. Kasi...

"Ako din. Masaya ako na nakilala kita..."

Ang nangyari dati... kung tunay man iyon... kung maaari sana sa buhay na ito... sana maging masaya ako. Sana maging masaya kami.

Iyon lang ang tangi kong hiling...

***

Ang buhay ay maaaring paulit ulit lang. Pero hindi ibig sabihin na nag pag ikot nito ay parepareho. Tulad ng oras, pareparehong numero pero ang mga kaganapan ay iba iba bawat segundo.

At nasa sa iyo kung paano mo pahahalagahan ito. 

Nasa sa iyo, kung paano mo gustong patakbuhin ang buhay mo.

Jar of HeartsWhere stories live. Discover now